Nang matulak ako ng mga pagkakataon sa bingit ng dalawang desisyon, kung mananatili pa o hindi na, mas pinili ko ang unang opsyon.
Ang Manatili.
Kung bakit iyon, ay maraming dahilan. At kung bakit hindi ang pangalawang opsyon, ay dahil hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.
Pero habang naguguluhan ka ay lalo kang paglalaruan ng tadhana. Lalo ka nitong lilinlangin hangga't sa mabulagan ka na ng mga pangyayaring natutunghayan mo. At iyon ang nkakatakot, yung hindi mo nalalaman kung alin ba ang totoo.
kung mahal mo pa ba siya o mas namamayani ang sakit, tampo, o hinanakit.
kung kaya mo pa ba o mas namamayani yung pakiramdam na pagod ka na
kung gusto mo pa ba o gusto mo ng magpahinga
kung nananalig ka pa ba o wala nang panghahawakan yung tiwala at bilib mo
Habang naiisasantabi ang mga tampuhang hindi naresolba sa pinakaugat, mas umiilap ang pakiramdam. hangga't hindi nasasagot ang mga katanungan at walang nagbubukas ng tunay na kalooban, hindi hihimlay ang pagdududa, poot, at lihim. Kung bakit hindi magawang ibulatlat ang katotohana'y marahil hindi sumsakto sa panahon- baka busy, walang oras para pag-usapan, pagod ang isip at damdamin, pagod na ring pag- usapan, kaya pinagwalang- bahala na lamang.
Naniniwala ako na kayang lupigin ng pagmamahal ang lahat. Pero kung wala itong panghahawakan sa paggahis, baka ito rin ang makalupig sa kanyang sarili.
At sa pagkakataong iyon, siguro'y nabigyan mo na ng sapat na dahilan ang sarili mo para sagutin ang mga katanungan sa itaas. At sa muli mong pagtapak sa bungad ng dalawang pintuan ng pagdedesisyon, mas alam mo na ang kasagutan.
At baka ang mga katagang pagod nako. Hindi ko na kaya. Ay maging sa wakas. Kakayanin ko pa! KAYA KO NA!
