Chapter 4

5 0 0
                                        

STACEY POV

Hindi ko akalain na ganito pala ang trabaho ng yaya, pina sosyal pa ang pangalan. Astig uh? Ano nga yun ulit? Person Asassin? Tama yun yun diba? Sosyal uh? Sabi sa akin ni Sir Leo bestfriend niya daw ang papa ko, at nangako daw siya na aalagaan niya ako, hindi daw dapat ako maging person assassin pero dahil daw request daw ito ng kanyang anak na si Skylar, pangatlo daw siya sa mga mag kakapatid, at yung bunso nila 6years old palang ang edad. Yung dalawang anak niya daw eh, aba malay ko, hindi naman shinaring ni Sir Leo. Atchaka kiber ko ba sa kanila.

Yieeh~ ang cute pa naman nung bunso, sarap kurutin ang matambok niyang pisngi. Tinuro sa akin ni Sir leo ang aking kwarto ang laki naman ng kwartong to. Mas malaki pa eto kesa sa bahay kubo namin ni lolo na fill in the blanks ang ngipin.

Nilabas ko ang kaisa isang picture ni lolo. Buti pa si lolo masaya na siya dahil kasama na niya sina mama, papa at lola. Samantalang ako, mag isa sa buhay :( nakakamiss naman.

"Lolo, andito na ako sa bahay ng mga Winchester. Kilala niyo po ba si Sir Leo? Kase po, kilala niya po daw si papa bestfriend niya po daw, gwapo po ni sir Leo noh lolo? Siguru gwapo din si papa tapos si mama maganda din tulad ko." Kainis naman ayaw ko maging drama tong kwento na to, diba humor to? Haays ! Buhay nga naman.

Pinunasan ko ang aking luha na tumulo mag isa, nakakalungkot kase dito sa kwarto na to, ang tahimik. Tumayo na lang ako at na pag isipan na mag ikot-ikot. Lumabas ako sa kwarto at dun ko lang na realizing na nakakalilito pala dito sa bahay nato..

Hindi ko alam saan ang daan patungo sa hagdan, puro kwarto kase to..hindi pa naman ako madali sa memorizing, ano ba yan!!

Sinisilip ko na lang ang mga kwarto, baka may makita akong hagdan' nang napunta ako sa dulo, binuksan ko ito at tumanbad sa aking isang sky blue na kwarto, waaaaaaaahhh (*^ω^*) ang ganda naman, paborito ko pa naman ang color na sky blue.

Kanino kaya to?? Pumasok ako dito, at mangha na mangha talaga ako dito. Kyaaaahh ~ ganda talaga. Lumapit ako sa kama at umupo dito, ang lambot naman tong kamang to. Humiga ako dito at finifeel ang sky blue na kumot at unan. Yieeh ~ eto na lang sana ang aking kwarto..umupo ulit ako dahil gusto ko sana mag ikot.

Pero may na pansin akong picture, isang lalake at babae na masaya ang mga mukha at naka-akbay ang lalake sa babae. Ang sweet nilang tignan, parang para sa kanila may forever ito kahit wala naman.

"Sus mag hiwalay lang din kayo niyan, wala naman talagang forever eh." Sabi ko. Para akong tanga dito nag uusap sa picture.

"Sinong nag sabi sayo na may karapatan kang pumasok sa kwarto ko?"

"AYY FOREVER." Haru jusmio marimar. Kakagulat naman to.

Inagaw niya sa akin ang picture na kanina ko pa hawak. Nag aalab ng apoy ang kanyang aura. Patay tayo jan!

"Pasensya na, a-ano k-kase nali-----"

"GET OUT!"

"Uyy, hindi ko--------"

"I SAID GET.OUT.NOOOOOW!!!"

Dali-dali akong lumabas ng kwarto, dahil grabe ang galit niya sa akin. Binagsakan pa niya ako ng pinto. Huh? Ang suplado nya. Akala niya sinong famous. Mas famous pa ako sa kanya noh?

Bahala siya jan, makaalis na nga.

Lost InloveWhere stories live. Discover now