dedicated kay SHAY. thanks sa support ^___^
JAM
Hinintay kong bumangon siya wala talaga. Hindi ko alam kung nakatulog na siya o talagang sinasadya niya lang na wag akong kausapin.
Parang kanina lang ramdam na ramdam ko pa yung mainit niyang halik, pero ngayon ramdam ko na ang malamig na pakikitungo niya.
Nagpunas ako ng luha at saka lumabas na sa condo niya. Nagabang ako ng taxi at saka nagcommute pabalik ng bahay.
Binuksan ko yung bintana ng taxi at muling sinalubong ang hangin. Nasanay na ko sa ganun.
Nasasaktan ako dahil hinusgahan agad ako ni Charlie. Na libog lang daw un.
Hindi niya alam kung san ko hinugot yung lakas ng loob para umpisahan yun. At
nung nagawa ko na kusa ng sumunod at nagreact ang katawan at labi ko.
Nakakalasing yung halik niya at sa tanang buhay ko kanina ko lang naramdaman yung ganung pakiramdam. At sa kanya ko lang nagawa yun.
Ansagwa lang kasi kung tatawagin yung libog. Aaminin kong tinamaan ako at gusto ko talaga, pero libog bang matatawag yun kung may emosyon ng involved?
Na sa bawat haplos niya sa balat ko para akong nakukuryente.
Na sa unang pagkakataon ang isip, puso, at kaluluwa ko pare-perehas ng sinasabi?
Gusto kita Charlie. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap aminin yun ha?
Gusto ko wala ka ng ibang hahalikan kundi ako lang.
Gusto ko ako lang ang mahalin mo.
Pero sino ka para sabihin sa akin na wag ko ng sasabihing gusto kita?
Hindi mo ba alam na hindi yun narinig sakin ng ni isa sa mga naging boyfriend ko?
Ikaw lang. Kasi gustong gustong gusto talaga kita. Gusto kita Charlie.
Kala ko mapapasaya kita kapag sinabi ko yun. Akala ko lang pala. Tsk.
Tumulo na naman yung luha ko. Umaabon pala.
Hay.. Bat kelangang palaging uulan sa ganitong mga pagkakataon?
Inilabas ko yung kamay ko sa bintana at hinayaang bumagsak dito ang pinong pinong patak ng ulan.
"Miss pakisara naman yung bintana o, baka pumasok yung tubig sa loob."
Chura mo manong. Panira ka ng moment. Nakita ng nagsesenti yung tao eh.
YOU ARE READING
Love and Proportionality
RomanceIs there still a chance for an unrequited love? Possibilities are always low for a normal circumstances. But when homosexuality speaks, it'll become six feet under. Why? Cause it's not only the feelings and emotions that are now involve, When a gir...
