The Angel Who Wasn't Built for Flying
TRISHA's POV
Kung may isang bagay na pinagsisisihan ko sa buong buhay ko, 'yon ay ang pagpayag kong sumali sa advanced flight training ng mga angel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Siguro dahil sa inggit. Siguro dahil sawa na akong maging anghel na kailangan maglakad habang yung iba malayang lumilipad sa kalangitan.
O baka dahil gusto ko lang din patunayan sa lahat na kaya ko rin.
Pero sa ngayon, habang nakatayo ako sa pinakagitna ng training field at pinagmamasdan ang mga anghel na nagsisiliparan sa taas, gusto ko nalang bawiin ang lahat ng sinabi ko.
"TRISHA! READY KA NA BA?"
Napapikit ako nang marinig ang boses ni Professor Gabriel mula sa kabilang bahagi ng field.
Ready?
PUTANGINA, HINDI!
Pero siyempre, 'di ko pwedeng sabihin 'yon. Baka tanggalin pa 'ko sa training.
"READY NA PO!"
Hindi ko alam bakit kailangan kong magsinungaling. Obvious naman na nanginginig na ang mga tuhod ko.
Nasa likod ko ang dalawang cute sized kong pakpak. May pakpak naman ako e. Ang problema, kung ikukumpara sa ibang anghel, para lang akong may pakpak ng manok na nakakabit sa likod. At hindi rin ako yung tipo ng anghel na payat at magaan ang katawan.
Medyo chubby ako. Hindi naman sobra, pero sapat para maging mahirap ang pagbalanse ko sa ere.
Kaya nga ako nandito. Para matutong lumipad.
"Remember, Trisha. You need to trust your wings!" sigaw ni Professor Gabriel.
Tumango ako habang pinupunusan ang pawis sa noo ko.
Trust my wings.
Oo, sige.
Pero paano ko pagkakatiwalaan ang pakpak na ilang beses na akong pinahiya?
Noong nakaraang linggo, halos mabalian ako ng leeg dahil hindi ko nacontrol ang paglipad ko. Noong isang araw naman, napunta ako sa bubong ng chapel at kinailangang umakyat ng tatlong anghel para lang maibaba ako.
At kahapon?
Huwag na nating pag-usapan.
Hindi ko rin makakalimutan ang itsura ng mga estudyanteng nagtawanan nang bumagsak ako sa fountain.
Napahawak ako sa noo ko.
"Lord, bigyan mo naman ako ng konting talent."
Huminga ako ng malalim at inayos ang pagkakatayo ko.
Sa paligid ko, nagsimulang lumakas ang ihip ng hangin. Unti-unting nagliwanag ang mga pakpak ng mga anghel na nagsasanay sa kabilang bahagi ng field. Ang ilan ay mabilis na umaakyat sa ere, habang ang iba naman ay nag-eensayo ng iba't ibang aerial maneuvers.
Napatingala ako.
Ang ganda nilang tignan.
Walang hirap. Walang takot. Para bang ipinanganak silang lumipad.
Samantalang ako, kailangan konpang makipag-away sa sarili kong mga pakpak para lang makaangat ng ilang segundo.
"Okay, Trisha. Kaya mo 'to."
Inunat ko ang dalawang braso ko at bahagyang yumuko. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga pakpak ko. Ramdan ko ang kakaibang init na nagsisimulang kumalat mula sa likod ko hanggang sa mga daliri ko.
Iyon ang palatandaan na nagsisimula nang gumana ang angelic energy ko.
Napangiti ako.
Sa wakas.
BINABASA MO ANG
WINGS OUT OF PLACE
FantasySa mundong puno ng demonyo, sumpa, at mahika, isang palamurang anghel ang aksidenteng napadpad sa impyerno. Ang mas malala? Ang demonyong nakatalaga para bantayan siya ay masungit, masyadong seryoso at mukhang allergic sa kalokohan.
