The first thing I did when I woke up was check the door.
It was locked.
I stared at it for a few seconds before finally looking away.
"Kaya mo 'to Athena."
I don't know who I was talking to-huminga ako ng malalim.
Maybe the part of me that still needed reassurance every morning.
I reached for my phone on the bedside table.
8:13 AM
Kasunod non ang limang notifications, dalawa sa clinic kung saan ako nag papa-therapy ang tatlo naman ay galing sa kaibigan kong si Mia.
Unang binuksan ko ang messages ni Mia sa akin.
Mia:
Hi, bff gising na ba u?
Hello, buhay ka pa ba?
May appointment ka pa mamaya diba?
Me:
Gising na. Kakagising ko lang actually.
Mia:
Mabuti naman.
Breakfast na
Me:
Skip muna ako bff.
Mia:
Di ako nagtatanong te, kumain ka muna bago ka magpunta sa appointment mo kasi kapag hindi ka kumain baka anong mangyari sayo.
Napailing ako.
Ganito talaga si Mia, mas Nanay pa sʼya sa Nanay ko.
Siguro alam nʼya ring kapag binigyan nya ako ng choices, ang manatili lang sa kwarto ko ang pipiliin ko.
At hindi ko sʼya masisisi.
Mas madali kasi dito, walang maingay, walang sumisigaw, walang maraming tao, walang hindi ko kilalang boses, at higit sa lahat walang kailangan bantayan.
Just me, my room and the four walls, that somehow, still didn't feel safe.
Napabuntong-hininga ako at bumangon.
I saw my reflection on the mirror hanging on the wall.
Napahinto ako.
Magulo ang ayos ng buhok at may eyebags, yung akala mo hindi na kakatulog ng mahimbing sa gabi kasi hindi ka pinapatulog ng isipan mo kakaisip ng mga bagay na dapat tapos na.
I looked terrible-pero at least buhay pa ako.
I stared at my self for a little longer.
"One day at a time, Athena."
Yan ang madalas kong sabihin, madalas ko rin kasing mabasa yan sa mga qoutes na dumadaan sa newsfeed ko.
Kaya siguro kailangan kong subukan, kailangan kong patunayan sa sarili kong kaya ko.
Kinuha ko ng tuwalya ko at nagsimula ng mag hilamos, hindi na ako naligo dahil wala akong gana gawin iyon.
Kinuha ko ang jacket ko at lumabas ng kwarto.
Pag bukas ko ng pinto ng bahay, sinalubong agad ako ng maingay na kalsada.
Pampasaherong jeep na dumadaan, mga batang naglalaro ng taya-tayaan, at mga taong nag c-chismisan.
Normal na scenario, everything was normal.
At minsan, yun ang mas nakakapagod.
dahil habang ang mundo ay gumagalaw na parang walang nangyayari-ako ngayon, sinusubukan ko paring matutong gumalaw kasama nito.
Napalingon ako sa kabilang kalsada, nandoon na si Mia nakasandal sa poste kasama ang kuya nʼya.
Pagkakita nʼya sa akin ay tinaasan nʼya agad ako ng kilay.
ESTÁS LEYENDO
Chasing Yesterday Morning.
RomanceHe was gone. So bakit parang hindi pa rin ako nakatakas? Akala ko kapag iniwan ko siya, matatapos na rin lahat. Wala na ang sigawan. Wala na ang pagbabanta. Wala na ang mga gabing kailangan kong mag-ingat sa bawat kilos ko. Pero hindi pala gano'n ka...
