"Yeah! Precisely! a game... a note... a clue! Ayokong maniwala at first pero napag-isip isip kong part of the plan ni Julius na gawin ito para lalo ko siyang isipin at bigyang importansiya 'di ba?", nakangiting banggit ni Janice at uupo sa silyang nakatapat sa computer

"Okay... kung yan talaga ang gusto mong mangyari Sis and besides, malaki ka na at matalino pa! Para hindi ka na rin ma-bother, we will trust you na lang ni Rhyna Alcantara sa trip mo! Basta Sis... hindi ka nagkakatol sa kuwarto mo ah!", kalabit ni Rubie sa nakaupong kaibigan na biglang dating naman ng kanilang lalaking manager mula sa pintuan

"And... update mo na lang kami sa mga susunod pang sulat na matatanggap mo! Good Luck Beautiful Lady with shining long hair!", mabilis na iwinika ni Rhyna na agad babati ng magiliw sa dumaraang Manager, "Good Morning Cute Boss!"

"Sige at pupunta na ako sa cubicle ko at ire-research ko yang si Mr. Julius Yap!", banggit ni Rubie na agad aalis sa naturang cubicle. Sasamahan sana siya ni Rhyna sa pag-alis nang biglang matandaang nasa sariling cubicle na pala sila

"Sis... Excuse me!", tapik ni Rhyna sa nakaupo at nagse-search na si Janice

"Yes???", sambit ng lumingong si Janice

"Ah... pwede na akong umupo sa chair ko?", nahihiyang tanong ni Rhyna

Mag-iisip si Janice at magsasalita, "Oops! Sorry Sis! Akala ko desk ko... He he!", tatayo ito at magtutungo sa kanyang cubicle.

Sa pagpunta ni Janice sa sariling cubicle, pupunasan nito saglit ang monitor gamit ang isang bilog na basahan at i-turn on ang computer. Mag-a-appear automatically ang unsaved file ng Summary Report ni Janice at babasahin ulit ito mula sa umpisa para i-check ang mga spelling at grammars. Nang makarating sa page 7, ay makikita niya ang kinapi-paste galing sa ini-scan niyang picture na nakuha sa ilalim ng CPU.

Binasa niya muli ang pangalan at ilang impormasyong may pagkakakilanlan sa naturang larawan at nilista sa kanyang maliit na notebook. Inusisa ni Janice ang pangalan nito at nag-zoom. Sa pagkatitig sa litrato ay may mapapansin siyang anino mula sa kanyang likuran... nang lingunin ito ay manlilisik ang mata at magugulat ng walang sigaw.

"Oh! Para kang nakakita ng demonya... Miss Behosano?", tanong ni Mya nang makita ni Janice. Agad niyang imi-minimize ang binuksang file at tatayo.

"Wa... wala po Ma'am! Akala ko lang po kung sino", sambit ni Janice

"Well... I am here to check on your Summary Report, kailangan na rin kasi yung i-publish sa ating broadsheet as requested ni Manager", seryosong banggit ni Mya

"Ah... okay Ma'am! ASAP po! ASAP..."

Mag-aalas sais na ng gabi at maiiwang nakatambay sa dalawang bakanteng upuan sina Lawrence at Trumpet sa loob ng LVC Branch. Bakante rin saglit ang upuan ng kanilang sekretarya dahil pumunta ito sa Toilet upang maghugas ng facial scrub sa mukha at pagkatapos ay mag-make-up make-up na rin bago umuwi. Nanatiling nakaupo sa labas ng pinto ang guwardiya habang tinatapos ang Sudoku na sinasagutan galing sa isang tabloid.

"Oh... Tol! Kumusta ang paggawa mo ng sulat?", tanong ni Trumpet habang nakaupo sa silya na nakaharap sa sandalan

"Eto... sinusubukan ko pa kung effective ang style ko... mahirap din kasi eh!", banggit ni Lawrence na kanyang katabi sa silya

"Sus! ikaw pa... alam ko namang hindi ka basta-basta sumusuko sa mga ganyang bagay di ba? Tsaka, siguro sobrang ganda ng babaeng yan sa iyo nuh! Tapos, kapag napasagot mo... itali mo na agad para hindi na maagaw ng iba!", wika ni Trumpet

"Hala... eh hindi pa nga ako nakikilala eh!"

"Ano??? Ba... bakit hindi ka pa nagpapakilala?!", tanong ni Trumpet na sasagutin sana agad ni Lawrence ngunit bigla nilang makikita si Madam NJ na kalalabas lamang sa Toilet

"Ma'am! Ma'am... wala pa rin po bang padala na galing kay Julius Yap?", usisa ni Lawrence na susundan ang matanda sa kanyang pinaka-desk at maghahanap ng file

"Aha... check mo na lang sa mga papel na ito! Nandiyan din yung file last year! Ewan ko kung merong Julius Yap pero kung wala... eh malamang nasa cargo liners pa yun!", sabi ni Madam NJ na nagsisimula nang maglagay ng lipstick sa pagod na labi.

Inisa-isa ni Lawrence ang mga pangalan ng senders na naka-alphabetical kada-araw na may puntahan sila. Inilipat-lipat ang mga papel ngunit isang Julius Yap lamang ang nakita niya na naibigay na niya noong unang araw ng pagkakita kay Janice. Agad niyang ipinasa ang mga papel sa matanda at nagpasalamat.
"Oh... Tol! ayos ka lang ba?", ani Trumpet nang puntahan ang pag-aalala ng kaibigan
"Ayos lang Tol!", banggit ni Lawrence at titingala sa ilaw sa kisame, "Siguro kinalimutan na talaga siya nun... kawawang babae!"
"Huy! Anong babae ang sinasabi mo diyan?", tanong ng kaibigan na titingala rin sa kisame, "May babaeng butiki ba diyan na nagbigti sa bumbilya?"
"Ulul! Tara na nga!", banggit ni Lawrence at magyayaya umuwi sa kasama ngunit mapapansing paalis na rin si Madam NJ na may bitbit na sobrang bigat na bayong.

"Ma... Madam! Kailangan niyo po ng tulong?", usisa ni Trumpet sa matanda
"Ssss...Sana! Napakabigat kasi nitong bitbit ko...", nagmamakaawang sabi ng Madam
"Ah... Tulungan ko na po kayo! Kawawa naman kayo!", kusa ni Trumpet at hahawakan ang nilapag na bitbit ni Madam NJ sa sahig
"Kaso...", sabi ng matanda at ilalabas ang dila, "Wala akong pambayad sa'yo eh!",
"Ah... ganun po ba? Sige po! kahit meryenda na lang sa kitchen niyo!", wika ni Trumpet na kikindat sa nanunuod na si Lawrence
"Okay... pero sure kang ihahatid mo ako ah!"
"Promise po!", huling salita ni Trumpet at bibitbitin ang bayong na inilapag ng matanda. Mapapansing magaan lang pala ang bayong na kapag tiningnan sa loob ay walang laman ito, "Teka, Madam... hindi naman po pala mabigat ito eh!"









"Oh! Kutos gusto mo? nag-promise ka na kaya ...", malanding sambit ng matanda at kakapit ng husto sa braso ng binata. Matatawa na lang si Lawrence sa nakitang pagtataka ng kaibigan at sasaluhin ang susi na ihahagis ng Madam upang isara niya ang branch.

Mag-iiwan na lang siya ng mga katagang "Ingat po! Good Luck Tol!" sa paglisan ng dalawa.



If we fall in-luvWhere stories live. Discover now