Ii-stretch ng matanda ang dalawang magkahawak na palad nito nang may mapansing isang nalantang halaman sa paso sa ilalim ng matayog na niyog ng kapitbahay. Ito ay kanyang binungkal at ibinalot sa papel upang itapon sa may labasan. Nang makabalik sa dinidiligang parte ay makakarinig siya ng mga kaluskos at nalalaglag na ilang tuyong dahon mula sa puno ng niyog. Maya-maya ay may makikita siyang dalawang kamay na kumakapit sa bilugang katawan ng puno hanggang lumantad ang isang ulo ng lalaki. Matatabig niya ang balde at bubuhos ang laman sa may gate kasama ng ilang lupa.

HUWAAAAAAH!

"Magandang Umaga ho, Lola!",wika ng isang lalaking kapitbahay na umaakyat sa puno

"Antonio! Ikaw pala yan... ginulat mo ako!", banggit ng matanda sa lalaki

"Ala eh... Pasensiya na po lola kasi areng misis ko nais mag-buko salad raw! Kuha lang po ako ah... Pasensiya na po oleet!", wika ng lalaki at dahan-dahang aakyat

"Oh siya sige... at mag-ingat ka diyan! Bigyan niyo na lang ako ng salad pagkatapos gumawa ng asawa mo..."

"Approve po lola!"

Kukuha ng walis tingting ang lola upang ibalik ang mga naisamang lupa ng nabuhos na tubig sa kanilang bakuran at kukuha muli ng isang baldeng tubig. Wala pa man ang isang minuto ay may kakatok sa kanilang gate at matatabig na naman ng matanda ang isang baldeng punung-puno ng pandilig. HUWAAAAAAH!

"Tao Po! May tao po ba rito???", tanong ng lalaki sa labasan

"Ay! naku po! saglit lang!!!", nagmamadaling banggit ng matanda papunta sa gate upang buksan ito

"Oh! Kayo po pala... Nandiyan po ba si Miss Janice Behosano???", masayang bungad  ni Lawrence na may hawak na sobre

"Nandito... teka tawagin ko lang ah!", banggit ng matanda na lilingon sa likod at malakas na sisigawan ang apo sa kusina, "Janice!!!!"

Sasagot ang dalaga mula sa kainan, Bakit po Lola?!

"May sulat ka rito!!! Pumarine na!", sigaw ng lola habang ngumingiti kay Lawrence at nagpapasaglit

Sasagot muli ang dalaga sa kainan, Sulat?! Kung para sa mga walang kakuwenta-kuwentang message lang din iyan, pakisabi sa nagbigay salamat na lang!!!

"Pe... Pero...", banggit ng matanda habang nakatingin sa nangangalay na binata at hihiyaw muli, "Hindi mo ba talaga babasahin muna bago mo sabihing walang kuwenta?!!!"

Sasagot ang dalaga mula sa kainan na parang uminom ng tubig, Hay naku! Ikaw na lang ang magbasa niyan lola! Tapos i-display niyo sa mga tanim niyong orchids para mabasa rin ng mga bisita nilang bubuyog!!!

Titingin muli ang lola kay Lawrence na nakakarinig ng mga pahayag ng babae sa loob ng bahay, "Paano iyan anak... parang nagsawa na sa kakabasa ng mga sulat ang apo ko kasi mas gusto ata ang ibang mga bagay- bagay..."

"Pero ho...", pagpupumilit na sabi ni Lawrence, "Kawawa naman ho ang gumawa nito at sayang naman po yung refund na maibibigay namin kung hindi ito mare-receive..."

"Pasensiya na talaga anak... Medyo hindi pa kasi nakakarekober itong apo ko sa pagiging heartbroken niya kaya ganun siya makapag-isip!", banggit ng lola at makikita ang nakakaawang mukha ng kausap. Makakarinig sila ng flush sa CR at tinig ng babae.

Sasagot ang dalaga paglabas ng kubeta, Lola! Palayasin mo na 'yan! At bigyan mo na lang ng cash donation para sa pag-eeffort na pagdeliver ng sulat... Kung kay Julius lang galing 'yan...

Mag-iisip ang matanda at kakausapin muli ang binata, "Oo nga pala, kanino galing yung sulat na iyan?!", bago pa man magsalita ang binata ay may malakas na dagundong ang maririnig nila galing sa pagbagsak ng mga buko sa lupa

"Ahmm...", nanginginig na dagdag ni Lawrence at malungkot na sasabihin, "Kay Mr. Julius po... S-s-sir Julius Yap"

"Oh... Anak! kay James Yap...", putol na banggit ng lola na itatama ni Julius sa tainga, "A-ano ulit???"

"Julius Yap Ho!", sambit ni Lawrence

"Ah... Julius Yap Ho daw!!!!", sigaw ng matanda na umecho sa loob ng kanilang bahay

Sasagot ang dalaga mula sa sala, Si Julius... Ay pahintayin mo lola!!!!!!!

"Okay...", at titignan si Lawrence ng matanda, "Andiyan na raw siya anak... ang dami pa kasing arte eh... Sorry ah!"

"Sige ho!", pilit-ngiting banggit ni Lawrence sa lolang kukuha muli ng tubig pandilig. Mabilis na pupunta si Janice sa gate na kitang-kita ang hubog ng katawan sa damit na pantulog. Magpi-finger comb din ang dalaga bago kunin ang sulat.

"Tama ba ako? Galing kay Papa Julius ito?",abot-langit na ngiti ng dalaga kay Lawrence

"O...", matutulala sa kagandahan ng dalaga at may babagsak na buko sa may stagnant na putik malapit sa gate na tatalsik sa mga damit ng dalawang nag-uusap

"O...Em Jee! Haaa!", sigaw ni Janice nang maputikan siya at muntikang bagsakan ng buko sa balikat. Titingin siya sa itaas ng puno at magrereklamo, "Ano ba naman yan Kuya Anton! Sa susunod mag-iingat naman po kayo sa pagkuha!"

"Ala eh... pasensiya na ineng ah! Na-out of balance kasi ang aking dalere... Hayaan mo't huling buko na ireng kukunin ko!", wika ng lalaki sa puno at bababa na

"Haay... Grabe, Pasensiya na ah! Nadumihan ka rin tuloy!", sambit ni Janice na makikitang maputik na rin ang polong suot ng binata. Agad niyang huhubarin ang suot na maruming sando at ipupunas sa damit ng binata, "Ayan... para hindi ka katihin!"

"Sa... salamat!", banggit ni Lawrence nang makita ang naka-bra na lamang na babae at shorts. Mabilis na kakabog ang kanyang dibdib at kukunin ang kaninang nakabulsang sariwang rosas sa likod ng pantalon upang ibigay din kay Janice, "Si... sige po at aalis na rin po ako at... may pupuntahan pa po kami ng kasama ko!"

"Oh Sige! Ingat! ha! Thanks! ", kakaway si Janice sa paalis na lalaki at sisigawan ito , "Teka, wala na ba akong pipirmahan?!". Sesenyas ng wala si Lawrence.

Habang paatras na naglakad si Lawrence ay makakabangga niya ang isa pang lalaki sa likuran.

"O!Takti naman Tol!Kanina pa kita hinahanap ah!",sabi ni Trumpet sa kabadong kausap

"Ah... may... May pinuntahan lang ako!", banggit ni Lawrence na pinagpapawisan pa

Mapapansin ni Trumpet ang maputik na polo ng kaibigan, "Napano 'yan?"











"Wa... wala! Nadapa lang kasi may humabol na Doggerman sa akin! Katakot nga eh!"










"Oh... okay! Tara na sa van! At hinihintay na tayo ni Madam!", yaya ni Trumpet sabay alis ng naturang lugar.

If we fall in-luvजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें