Naaalala ko pa rin ang eksaktong araw kung kailan ako tumigil umasa. Hindi siya tulad sa movies na may malakas na ulan o sigawan. Sobrang tahimik lang nung gabi na 'yun.
Nakatayo ako sa kanto ng kalsada habang malamig ang hangin. Nagpangako siya sa akin noon. "Maghihintay ka lang, Maya," sabi niya habang nakahawak sa pisngi ko. Tumingin siya sa mga mata ko at naniwala naman ako. "Magiging ready din ako."
Kaya naghintay ako.
Naghintay ako kahit nakikita kong medyo malamig na ang trato niya sa akin. Naghintay pa rin ako kahit nakita ko ang kotse niya sa labas ng bahay ng ibang babae. Naghintay pa rin ako nung sinabi niyang, "Ikaw lang talaga, Maya," kahit may nag-text sa phone niya sa gitna ng dilim na hindi nakasave ang pangalan.
Gusto ko kasi talagang maniwala sa promise niya. I gave him everything, uulit-ulitin ko pa para lang maging okay kami. Para akong nagdidilig ng patay na halaman, umaasang mabubuhay pa ito ulit.
Pero nung gabing 'yun, narealize ko na naghihintay lang pala ako sa wala. Naghihintay ako sa isang bagay na kailanman ay hindi niya ibibigay sa akin.
Hindi naging madali ang lahat pagkatapos nun. Hindi ibig sabihin na nung tumalikod ako, okay na ako agad. Alam kong matagal ang healing process. Aabutin ng maraming buwan o taon bago mawala ang sakit sa puso ko.
Pero okay lang. Dahil nung gabing 'yun, tumigil na akong maghintay sa kanya, at nag-decide ako na piliin naman ang sarili ko.
CITEȘTI
Waiting for a Season That Never Came
FantezieMagiging ready din ako, Maya. Maghintay ka lang." Naniwala si Maya. Binigay niya ang lahat-oras, puso, at walang katapusang second chances. Kahit patago na siyang pinapalitan. Kahit ginawa na siyang option. Pilit siyang kumapit. Pero hanggang kailan...
