"excuse me but who are you ??"


Sabi nung isang babae...

Napataas ung kilay ko


"girlfriend ka ba niya ? asawa ? sa pagkaka-alam ko from him eh he is single kaya sino ka ?"


Tinignan ko ng masama yung babae...

Nakaka pikon din to eh..

Nakita kong may isang pitcher ng beer ata to... kinuha ko ito


"teka yanna, balak mo ba inumin yan ?" pabirong sabe ni Luke

"nope... much better ang naiisip ko"

Sabay buhos sa kanilang dalawa

"WHAT THE --!!"

Hinagis ko ung pitcher... bigla namang nagsi tinginan ang mga tao samin as in halos huminto talaga yung mga tao sa ginagawa niya

"wait wait wait.. what's going on here ?"

May isang lalakeng lumapit samin..

"itong baliw na babaeng to bigla bigla nalang kaming hinagisan ng isang pitcher ng beer !!!"

"miss excuse me pero hindi ko pwedeng i-tolerate ang ginawa mo sa mga customers ko.."

Tinignan ko siya

"ikaw ba ang may-ari ng bar na to ?"

"yes I am..."

"fine then, luke...."

"yes ?"

"gusto kong ipasara mo tong bar na to..."

"what ?!"

"ok sure..."

"what the heck are you talking about ?"

"nag bebenta kayo ng shabu here right ?"

Nagulat yung may-ari

"no .. hindi kami nag bebenta dito.."

"ah ok, then wala naman sigurong masamang ipaimbestiga ko tong bar mo diba ? kung malinis naman ang record edi hindi ko ipapasara..."

*WEEEEEEE*

Biglang may narinig kaming pulis cars sa labas..

Nakita ko si luke... tinawagan na niya pala ung mga pulis

Tinignan ko ule si Zedrick, hinawakan ko ang wrist niya at hinila sa labas

Pag dating namin sa parking lot

*PAAAAAK*

"ANO BANG SA TINGIN MO ANG PINAG GAGAGAWA MO !!"

Pero hindi siya nag salita..

Sobrang miserable ng itsura niya... pumayat na nga din siya eh at sigurado akong puro alak nalang ang kinakain at iniinom nito..

"tignan mo nga yang sarili mo, umayos ka nga zedrick !!"

Tinignan niya ako... ung sobrang sama

"madali para sayo sabihin yan dahil hindi ka naman nasaktan ng sobra.."

*PAK*

"yanna..... tama na"—luke

"hindi nasaktan ? kung about yan kay Eliza , wag na wag mong sasabihin yan sa harap ko dahil hindi mo din alam kung GAANO AKO NASAKTAN SA PAGKA MATAY NIYA !"

Haaaayyy.. konting inis pa maiiyak na ako =__=

"hindi lang ako katulad mo na mahina ! bakit.... Bakit yang pagka hina mo pa ang pinapakita mo sa situation na to ? lalong lalo na kay Allen ?"

Failed To Love You ♥Where stories live. Discover now