'DI NAMALAYAN

6 0 0
                                        

Dati'y isa ka lang namang ordinaryo sa paningin ko,
Katulad ng ibang mga tao
Na dumaraan sa harapan ko
At hindi pumupukaw ng atensyon ko.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula
Na ika'y araw-araw gusto nang makita.
Nagulat na lamang nang ika'y hinahanap-hanap na
Sa paraang hindi ko alam kung normal pa ba.

Labis ang tuwa t'wing ika'y nasisilayan,
At labis ang ngiti sa labi t'wing ika'y pinagmamasdan.
Nakakatawang hindi ko manlang namalayan,
Ako pala'y nahuhulog na sa isang tila anghel na ibinaba ng kalangitan.

'DI NAMALAYANBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin