special chapter

3 0 0
                                        

Una kitang nakita sa may street niyo. Malapit lang kasi ang basketball court sa bahay niyo kaya lagi akong nadadaan sa may bahay niyo. Bagong lipat lang kami sa lugar na 'to kaya hindi ko pa halos kilala ang mga taong nakatira sa barangay natin. Si Nanay Rosita lang ang kilala ko, dahil taga rito pala siya bago mamasukan bilang kasambahay namin. Si Nanay Rosita ang tumayong nanay namin ni Ate Lucy dahil bata pa lang ako, wala na si mama. Si papa naman, may ibang pamilya na kaya ang lola at lolo lang namin ang halos kasama namin paglaki. Kaso, last year namatay si lolo. Tapos ngayon naman, si lola ay nasa U.S kasama ang tita ko dahil may sakit na rin siya.

Hindi kami mayaman, hindi rin naman mahirap. May kaya kami dahil may business ang lolo't lola namin. Kaso lang ngayon, ang tita na namin ang nagmana ng business nila. Halos si ate na lang ang nagtutustos sa akin kaya medyo nakakahiya rin. Kaming dalawa lang ni ate Lucy ang magkapatid at medyo malaki ang age gap namin kaya hindi kami masyadong close. Si Nanay Rosita at mga kaibigan ko sa dati naming barangay ang mga ka-close ko talaga.

[Umaasa - Calein]

Tanda ko pa yung araw na 'yon, naka pajama ka pa na nilalakad ang aso mo. Hindi ko alam kung aso mo talaga 'yon, kasi hindi ko na nakita ulit ang asong 'yun eh. Antok na antok kang nakatayo, habang ang aso mo ay maligalig na nilalaro ang mga damo sa gilid ng basketball court. Maaga pa naman, kaya ang araw ay hindi pa mahapdi sa balat. Nakatingala ka sa langit na nakapikit habang ninanamnam ang sinag ng araw. 'Yan tama 'yan, masyado ka kasing maputi, hindi ka siguro pala labas sa inyo. Siguro para akong tanga na nakatitig ang sa'yo, pero wala e. Ang ganda ganda mo.

Lumapit ako sa inyo ng aso mo, pero mukhang antok ka talaga dahil hindi mo napansin ang presensya ko. Yumuko ako para haplusin ang aso mong tuwang tuwa sa atensyon ko. Kung hindi pa siguro nahila ng aso mo ang tali na hawak mo ay hindi mo ako mapapansin. Gulat na gulat kang napadilat sabay tingin sa lapag kung anong nangyayari. Narinig ko ang pagluwag ng hininga mo nung makitang nasa harapan pa rin naman ang aso mo. Hindi mo pa rin ako napapansin, kaya umubo na ako. Napatingin ka sa akin. Iyon ang unang beses na nagkatinginan tayo. Napakaganda ng mga mata mo, Mahal. Saktong sakto ang sinag ng araw sa kayumanggi mong mga mata. Mapungay ito at mahaba ang mga pilik. Mukhang may lalaban na sa mama ko sa pagiging maganda.

Namula ang mga pisngi mo, hindi ko alam kung dahil ba nahuli kitang natutulog na nakatayo, o dahil ang tagal kong nakatitig sa'yo. Tinanong ko ang pangalan ng aso mo, at sinabi mong si Lucky 'yon, ang aso ng pinsan mong nagbabakasyon lang sa inyo. Kaya pala hindi ko na nakita ulit si Lucky. Tamang tama ang pangalan niya, dahil sobrang swerte ko nung araw na 'yun na nakita kita. Inaya kitang sumilong sa basketball court dahil mukhang naiirita ka na sa araw pero nagpaalam ka na na kailangan mo na umuwi dahil anong oras na rin.

Normal lang sa akin ang magka crush. Halos lahat naman siguro tayo, nagkaroon ng crush sa buong buhay natin. Pero hindi ko alam bakit pagdating sa'yo, ang lakas agad ng tama mo sa akin. Naging kaklase kita sa Decelis. Nagulat pa ako nung nakita kitang nakapila sa HUMSS. Iritadong iritado ka nung araw na 'yon, dahil mainit. Medyo late ako nung araw na 'yun kaya sa dulo ako napunta ng pila pero nakiusap ako sa taong nasa likod mo kung pwede kami magpalit. Hindi ko pa kilala ang mga kaklase natin pero kakapalan ko na agad ang mukha ko. Nakakunot pa ang noo mo nung lumingon ka sa akin dahil kinalabit kita. Pero nung nakita mo ako, bigla kang ngumiti. Para tuloy akong salamin mo, dahil ngumiti na lang din ako pabalik sa'yo. Nakalimutan ko na ang gusto kong sabihin. Ikaw ang unang kumausap sa akin, nagrereklamo ka sa akin kung bakit tayo pinapila sa quadrangle e tirik na tirik ang araw. Tumawa ako at sumangayon sa'yo. Naalala ko bigla na may payong ako kaya kinuha ko agad sa bag ko at binuksan iyon para payungan tayong dalawa. Nagulat ka pa, pero nag thank you ka na lang.

Naging seatmates tayo dahil free seating naman at tumabi ako sa'yo. Medyo madaldal ka pala 'no? Tamang tama dahil madaldal din ako. Medyo mapangasar nga lang. Nalaman ko na ang pangalan mo ay Solenne Calliope Rivas. Nung nalaman mo naman ang pangalan ko, agad mo na lang ako tinawag na 'Cian'. Marami na ang tumatawag sa akin n'on pero hindi ko alam bakit pag galing sa'yo, ang sarap pakinggan. Ang kulit mo rin, madalas tayo napapagalitan ng mga prof kasi maingay o makulit tayo. Isang beses pa nga ay pinaghiwalay tayo ng upuan dahil napalakas ang tawa mo nung kiniliti kita sa bewang. Tandang tanda ko pa paano ngumuso ang mga labi mo at ramdam na ramdam ko ang pag lungkot ng mga mata mo na nakatingin sa akin habang lumilipat ako ng upuan sa likod.

kanunay, lucianHistórias para pegar e não largar. Descubra agora