C-1

10 0 0
                                        

WARNING MATURE CONTENT & PURELY A WORK OF FICTION! KATHANG ISIP PO LAMANG ANG LAHAT NG NAKASAAD SA STORY NA ITO..THANK YOU!

KELLY JOANNE

"Beshy! I have some good news for you," narinig ko na sigaw ng kaibigan ko habang papasok siya dito sa loob ng bahay ko.

"Beshy, ang taas na naman ng energy mo," natatawa na sabi ko sa kanya.

"Of course, kasi good news nga ito eh. It's not bad because it's good, goods na goods," nakangiti at pabiro pa niyang sabi sa akin.

"Ano ba ang good news na 'yan?" nakangiti na tanong ko sa kanya.

"Guest what? May vacant na!"

"Vacant? Saan?"

"Sa company ni daddy. May vacant position na, kaya puwede ka ng mag-apply. Lalo na ayaw ka naman pagtrabahuin ng daddy mo sa ibang company dahil nasa blacklist ka," sabi niya sa akin at tama siya.

"Sa tingin mo tatanggapin kaya ako ni Daddy Ninong?"

"Oo naman, hindi naman ganun kasama si daddy. Masungit lang siya pero mabait naman kapag walang topak," natatawa na sabi niya kaya napangiti ako.

Suplado naman kasi talaga ang daddy niya. Na siya ring ninong ko noong kumpil. Kaya naging magkasundo kaming dalawa ni Mavie kahit pa mas matanda ako sa kanya ng ilang taon. At siya ay nag-aaral pa rin ngayon ay magkasundo talaga kaming dalawa at siya ang tunay kong kaibigan.

"Magpapasa ako ng resume ko. At gusto ko na matanggap na walang pabor ha. 'Wag mong sasabihin sa kanya, mas gusto ko pa rin na sumalang sa interview nila," sabi ko sa kaibigan ko.

"Okay po, hindi ko sasabihin kay daddy kaya 'wag kang mag-alala. Ang bad kasi talaga ng parents mo. Kaya ka nilang tiisin ng ganito, ilang taon na kaya ang lumipas pero galit pa rin sila. Dapat masaya sila dahil may cute silang apo," sabi ng kaibigan ko at hinalik-halikan niya sa pisngi ang anak ko na ngayon ay karga na niya.

Ganun ka na lang ang galit sa akin ng daddy ko. At kahit pa tatlong taon na ang lumipas ay galit pa rin sila sa akin. Galit siya dahil nabuntis ako at walang ama ang anak ko. Hindi ko rin naman kasi talaga alam kung sino ba ang ama ng anak ko dahil one night stand lang ang nangyaring 'yon. Hindi ko na rin naman inalaman pa kung sino dahil isang gabing pagkakamali lang 'yon. Lasing na lasing kasi ako ng mga oras na 'yun.

Ayaw ko kasing magpakasal sa lalaking gusto niya para sa akin kaya naman mas pinili ko na ibigay na lang sa iba ang sarili ko para may dahilan sila para tumigil ang kasal. Pero hindi ko naman inaasahan na mabubuntis ako. Kaya naman pinanindigan ko ang bata dahil wala naman siyang kasalanan.

Mabuti na lang at laging nand'yan ang kaibigan ko. Siya ang lagi kong katuwang sa lahat. Siya ang kasama ko noong panahon na nahihirapan ako. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sana lang ay makabawi ako sa kanya. Mabuti na lang talaga ay may sarili akong savings noon kaya ito rin ang nakatulong sa amin ng baby ko.

Pero ngayon ay malapit na itong maubos kaya kailangan ko na talagang magwork. Maghahanap na lang ako ng magbabantay sa anak ko. Kaya kailangan ko talagang magtrabaho ng maayos kapag natanggap ako.

"Magpasa ka na ng resume mo ha. Alam naman natin na maganda ka pero mas gandahan mo ang pic mo," natatawa na sabi niya kaya tumawa ako.

"Mas mabuti yata na mag-walk in ako, beshy. Baka kasi kilala ako ng HR niyo at hindi na ako hayaan na sumabak sa interview," sabi ko sa kanya.

"Yeah, you're right. Kaya magwalk in ka na lang para mas sure ba. At malay mo si daddy pa mismo ang mag-interview sa 'yo. Alam mo naman si daddy, masyadong hands-on sa mga bagay na tungkol sa company at isa pa inaanak ka niya kahit pa minsan ay hindi siya showy ay alam ko na nag-aalala rin 'yon sa 'yo," sabi niya sa akin kaya naalala ko rin ang daddy ko.

DADDY NINONG Stories to obsess over. Discover now