Chapter 13 (under construction)

Magsimula sa umpisa
                                    

At ayan ginawa ko na nga ang pinag uutos niya grabe masakit na ang tiyan ko ah.. huhuhu.... pero kakayanin ko to.

Ito na nga ba ang sinasabi ko ehh... ang sama na nga ng pakiramdam ko. Hala nahihilo nako sa gutom... nagsabay-sabay na talaga sila waaaaaah. sobrang sakit na ng katawan ko, ang sakit pa ng puson ko, gutom pako, puyat at babad sa trabaho. Na ayos ko na lahat ng schedules niya, grabe di ko na alam ang gagawin ko yung katawan ko unti-unti ng sumusuko.. Tumayo ako para kumuha ng tubig pero nahinto nalang ako bigla... wala nakong makita...

"Angelie what are you doing?" may nag sasalita pero di ko na maintindihan yung sinasabi niya..

"Angelie, Hwag ka ngang tumayo lang diyan!! marami ka pang gagawin bilisan mo.."

Ahhh gusto ko ng sumigaw sa sakit ng ulo ko pero ng hihina na talaga ako..

"Angelie hindi ka ba makikinig sakin? ha!?"

Wala nakong maintindihan sa mga nangyayari. Wala nakong marinig, wala nakong makita at feeling ko lumilindol ... hanggang sa bigla nalang ako natumba.

Nagising ako 12 midnight na at medyo nagtataka ako kung nasaan ako ngayon.

Slate's POV

Di muna ako pumasok... kailangan ko mag pahangin... dapat lang na dumistansya muna ako kay kuya at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Alam ko namang di papasok si Angelie eh.. kaya di na ko natatakot na baka kung ano nanaman ang gawin ni kuya sa kanya.

Hayyy nandito ako ngayon sa Angeles Pampangga. Dito sa car racing field *sigh* tingin ko mapapayapa ako dito buti nalang walang tao ngayon, napamahal na talaga sakin ang mga ganitong lugar kaya kahit ano pa ang mangyari... dito lang talaga gumagaan ang pakiramdam ko. Medyo mainit din pala haha kaya umalis narin ako para kumain. Naghanap naman ako ng Mcdo dito dahil sa tuwing pupunta ako sa Mcdo si Angelie ang naalala ko. Haaayyyy ang babaeng mahilig sa fries....

Medyo istorbo din pala ang fans kung paminsan-minsan haha habang kumakain ako, alam ko naman eh nakikita ko rin naman na halos lahat ng mga kumakain dito ehh sakin naka tingin. Syempre ganito ata ako ka gwapo at sa tingin ko ngayon lang sila naka kita ng kagaya ko... Matangkad, Mistiso, Gwapo, matangos ang ilong, kissable lips, and my brown eye? grabe mababaliw talaga ang lahat ng tititigan ko haha. Stop describing yourself Slate, pero hindi ko rin mapigilan na magyabang haha hanggang sa may lumapit na sa akin.

"Hi po.." tingin ko 17 years old siya..

"Yes?" and I gave her my sweetest smile.

"Ayiieh grabe" pabulong na sabi niya.. "Pwede bang mag papicture?"

"Oh yeah sure." ito na nga ba ang sinasabi ko haha..

"Naku ang bang-bango niyo po..."

At ito na sunod-sunod na ang lumapit sakin... Pag may chicka babe aakbay ako hehe.... Ako na ata ang center of attraction dito... pasalamat kayo kung hindi dahil sakin di madami ang customer nyo ngayon. Di ko na naubos ang pagkain ko medyo madami na ang naka paligid sakin naaalibadbaran nako haha. Tumayo nako at nag paalam sa mga ladies...

"Sir pwede po ba namin kayo maka usap?" May lumapit saking isang manager.

"For what?"

"Ahh sir nag qualify po kayo ehh pwede ka bang mag endorse ng next naming commercial?"

"Ohh sorry po di po ako artista."

"Okay lang po sir, lalakihan namin ang bayad."

"No thanks mayaman ako."

Umalis nako haha nag yabang nanaman ako... teka bakit manager ang kuma usap sakin? hmmm wala siyang karapatang mamili ng mag eendorce ng fastfood nila... Hmm nagtataka ako eh hehe medyo malambot yung manager nila... siguro ano yun?? hehe gusto pa ata akong pagbalakan ng masama.. hayyy pero masarap talaga sa Mcdo kaya kayo pinapayuhan ko ang lahat na doon kumain hehe.

Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon