NAKA-boots, naka-floral dress, at naka-bandana si Catalina nang pumasok siya sa loob ng kwadra. Bitbit niya ang lumang libro na hindi pa niya natatapos basahin. Regalo iyon ng lola niyang si Doña Mariana.
Napahinto siya nang madatnan niya roon ang binatang si Andres. Abala ito sa pagpapakain ng mga kabayo at wala itong suot na t-shirt. Kitang-kita ang pawis na dumadaloy sa matipuno nitong katawan at sa mga nakaumbok nitong abs.
Nag-angat ng tingin si Andres at nagtama ang kanilang mga mata.
Nahiya ito at agad na dinampot ang nakasabit na camisa para isuot.
Kahit pawis na pawis, nananatili pa rin itong mabango. Amoy sabon, amoy lupa, at amoy ng hacienda.
"Ano ang ginagawa mo dito, Señorita?" tanong ni Andres habang inaayos ang kwelyo nito.
Ngumiti si Catalina at itinaas ang libro. "Dito ako magbabasa. Tahimik dito."
Tumango lang si Andres at bahagyang ngumiti. Umupo si Catalina sa ibabaw ng dayami at binuksan ang libro. Habang lumilipas ang mga minuto, tanging tunog lang ng kabayong ngumunguya at ng mga pahinang binabaliktad ang maririnig.
Paminsan-minsan, sinusulyapan ni Andres si Catalina. At paminsan-minsan din, napapangiti si Catalina habang kunwaring nakatutok sa libro.
Tahimik ang kwadra. Pero sa pagitan nilang dalawa, may kung anong hindi masabi.
_______________________
Kinahapunan, namasyal si Catalina sa nayon. Bitbit niya ang isang basket na paglalagyan ng mga pinamili.
Simpleng babae lang si Catalina. Walang mga alahas. Walang mamahaling damit. Floral dress lang at bandana. Pero hindi maitatago ang totoo. Siya ang nag-iisang heredera ng Hacienda Amparo.
Napakaganda niya. Para siyang diwata na napadpad sa lupa. Makinis at maputi ang kutis, parang dyamanteng kumikinang sa ilalim ng araw.
Kaya naman napapatingin ang mga kalalakihang nadadaanan niya. Napapahinto sa ginagawa.
Pati mga kababaihan, bata man o matanda, napapangiti at napapahanga sa angkin niyang ganda at bait. Binabati siya ng "Magandang hapon, Señorita Catalina."
Hanggang sa napadpad siya sa isang tindahan ng wine sa may kanto. Pagmamay-ari iyon ni Diego.
Pagpasok ni Catalina, abala si Diego sa pagbibilang ng mga bote ng wine. Nang makita siya, naiwan nito ang kwaderno at sinalubong siya ng malaking ngiti.
"Catalina! Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa hinahanap ka ng mga kabayo sa hacienda," pang-aasar ni Diego habang kinukurot ng mahina ang pisngi niya.
Napahalakhak si Catalina at inirapan siya. "Ikaw talaga, Diego. Ako na nga tong nagdala ng basket para mamili para sa hapunan, ako pa yung kukutyain."
Umupo si Catalina sa may counter. Inilapag niya ang basket.
"Anong pinamili mo? Mangga ulit? Alam ko na yan," sabi ni Diego habang sinisilip ang basket niya.
"Wala! Gulay. Kangkong, talong, at... sili," sagot ni Catalina sabay taas ng kilay. "Para sa sinigang. Para mapaiyak kita."
Napatawa si Diego. "Ako paiiyakin? Eh ako nga nagtuturo sayo magluto nung bata pa tayo. Naalala mo? Nasunog mo yung kanin kasi naggigigil ka sa libro mo."
"Eh ikaw! Ikaw yung nagturo sa akin na magtago sa kwadra tuwing pinapagalitan ako ni Lola!" ganting biro ni Catalina.
Nagtinginan sila at sabay na tumawa. Yung tipong tawa na walang pagod, walang pretensyon. Pang-batang-bata lang.
Lumapit ang isang matandang lalaki para bumili. Nginitian siya ni Catalina. "Magandang hapon po, Lolo."
"Ay, Señorita! Ang ganda mo na naman ngayon. Parang bulaklak ng hacienda," sagot ng matanda.
Pag-alis ng matanda, sumandal si Diego sa counter at tumingin kay Catalina.
"Alam mo Cat, swerte yung mapapangasawa mo balang araw," biglang sabi nito. "Maganda ka na, mabait ka pa, tapos ang saya mo pa sa bahay."
Natigilan si Catalina. Namula ng bahagya. "Sira ka talaga. Wala pa sa isip ko yan. Ang iniisip ko lang ngayon ay yung pista mamaya. Sasayaw ako. Dapat manalo ako sa patimpalak."
"Hah! Sige, mananalo ka. Palakpakan kita ng pinakamalakas," sabi ni Diego sabay kindat. "Pero pag-uwi natin, ako magdadala ng basket mo. Hindi bagay sa diwata ng hacienda ang may bitbit."
Tumayo si Catalina at niyakap ulit si Diego nang mabilis. "Salamat, Diego pero mauna na akong umuwi. Pero alam mo mas masaya ang araw ko pag nandito ako."
"Oh sya sige na, uwi na. Baka hanapin ka na ni Andres at ni Doña Mariana," sabi ni Diego habang inaabot sa kanya ang basket na may dagdag na isang bote ng ubas. "Regalo ko yan. Para sa pista."
Lumabas si Catalina sa tindahan, masaya, bitbit ang basket at ang bote.
Hindi niya alam... iyon na pala ang huling masayang pag-uusap nila sa loob ng napakatagal na panahon.
ESTÁS LEYENDO
Iisa Pa lamang
RomanceAkala ng lahat, patay na si Catalina Amparo. Nag-aagaw buhay siya matapos siyang ipapatay. Pero may isang lalaking hindi siya hinayaang mamatay. Isang misteryosong estranghero na nagligtas, umalalay, at nagturo sa kanyang bumangon. Ngayong gumal...
