After one year of graduating, napagpasiyahan namin mag barkada na magkita-kita sa isang coffee shop para mag catch up sa buhay ng isa't isa. Sa kasalakuyan, ako ay unemployed pa dahil gusto ko pang mag pahinga mula sa lahat ng stress na naranasan ko habang ako'y nag-aaral pa.
Nang dumating na ako sa coffee shop, natanaw ko kaagad si Christine na nagsimuno sa pagtitipon namin ngayon.
"Christine!!!" sigaw ko.
"Oi, Jericho! Long time no see. Balita ko nasa resting period ka parin daw? Apaka relaxing ng buhay mo ha" sabay tawa niyang sabi.
"Ganyan talaga, relax-relax habang pwede pa." patawa kong sagot.
Umupo muna kami bago namin pinatuloy ang aming usapan.
"Nag order na nga pala ako ng drinks ko, ikaw, baka gusto mo na rin mag order?" sabi niya.
"Mamaya na cguro pagdating nila." sagot ko.
"Siya nga pala, single ka parin ngayon? Like kahit talking stage wala? Diba't 4 years na since last relationship mo?" tanong niya
"Yes, ewan ko ba. Gusto ko naman magjowa na rin pero ang hirap kasi mag hanap ng matino ngayon. Lalo na sa aming mga bakla." sagot ko.
"Sabagay nga naman." sagot niya.
Bago pa man siya makadugtong ng sasabihin niya, may narinig kaming biglang sumigaw mula sa malayo.
"Jericho! Christine!"
Pag lingon namin, andito na pala silang lahat.
"I miss you guys! Kamusta na kayo?" tanong ni Anien.
"Okay lang naman, busy sa work" sagot ni Kenneth.
"Eto busy, sa pickleball." patawang sagot ni Ayen.
"Hahaha totoo yan, lagi kasi akong dinadamay neto ni Ayen." sagot naman ni Jean sabay hampas kay Ayen.
Nag order na rin kami ng mga drinks and foods namin habang nag kwekwentohan kami sa mga ganap namin sa buhay. Na-miss ko rin tong mga tambayan namin nung nasa college pa lang kami. Yung tipong wala pa masyadong pinoproblema sa buhay.
"So ituloy ko nga yung usapan natin kanina, Jericho." insert ni Christine.
"Kanina kasi natanong ko kanina kay Jericho kung single pa ba siya hanggang ngayon kasi may nakita kasi akong isang post ng isang direktor na kakilala ko, naghahanap sila ng participants para sa BL dating reality show nila. So, i-eencourage ko sana si Jericho na sumali." sabi ni Christine.
"Oo nga, Jericho, bat di mo subukan? Single ka naman." sabat ni Anien.
"Diba gusto mo makita sa tv, Jericho? Baka eto nato." sabay tawang sabi ni Jean.
"Wala namang masama sa sumali, Jericho. Wala rin naman mawawala sayo." dagdag ni Kenneth.
Di pa ako makasagot kay inabot na agad ni Christine ang phone niya na nakabukas na ang application form para sa BL: Boys in Love.
Naisip ko, tama naman sila. Wala namang mawawala kung susubokan ko. Kaya nag fill-up ako ng form. Bago ko pa man ma click ang submit button, napagtanto ako kung kaya ko bang panindigan ang desisyong ito.
"Bahala na nga. Kung para sa'kin, edi para sa'kin." sabi ko sa sarili ko sabay pindot ng submit.
Pagbalik ko ng phone kay Christine, nakita ko sa kanilang mukha na nakangiti na para bang ang tagal na nilang pinangarap makita akong magkajowa.
"Oh, ba't ganyan mga mukha niyo?" tanong ko.
"Wala lang, masaya lang kami na makita kang ready to open yourself again for other people." sagot ni Anien.
"Apaka OA niyo sa totoo lang." sabay ngiti kong sagot.
Lumipas ang ilang oras, nagpagpasiyahan naming lumabas na ng coffee shop at mag siuwian na.
"Balitaan mo kami kung anong update, Jericho, ah. Bye!" sabi ni Kenneth sabay kaway.
Habang pauwi na ako, nakatanggap ako ng text mula sa production team.
"We have received your application, we will be contacting you again for an interview."
Kumakabog agad ang aking dibdib. Di ko alam kung dahil sa excitement o sa kaba. Pag dating ko sa bahay ay di nawala sa aking isip ang tungkol sa show na yun. Kaya pagka higa ko sa aking kama, agad kong hinanap yung post na sabi ni Christine. May pa tagline pa silang "Love is love, regardless of gender."
4 years. 4 years ko nang kinonvince ang sarili ko na ok na ako maging single. Na mas mapayapa ang buhay ng isang single. Pero sa 4 years na yun, di rin naman nawala ang inggit ko kapag may nakikita akong mag jowang naghahawak kamay habang naglalakad.
Di ko namalayang nakatulog na pala ako kaka-isip. Kinabukasan, habang kumakain ako ng umagahan ko, bigla na lang tumunog ang phone ko. Nang tiningnan ko, bumungad sakin ang isang message.
"Hi, Jericho. This is the BL: Boys in Love production team. We received your application and we would like to invite you for an interview. Are you available tomorrow?"
Napatigil ako sa pagkain ko at napatingin sa paligid na para bang naghahanap ng mapagsabihan. Pero wala kasi ako lang mag-isa sa bahay.
"Bahala na to." bulong ko sa sarili ko.
"Yes, I'm available" reply ko.
Di ako mapakali at nag chat ako sa gc namin.
"Guys, nag text na yung production team at mag i-interview na raw kami bukas"
"Go, Jericho! Matik tanggap na yan hahaha" reply ni Anien.
"Makikita na namin kaibigan namin sa tv" sagot naman ni Ayen.
"Basic na yan sayo, Jericho" sabi ni Kenneth.
"Good luck, Jericakes!" chat ni Christine.
"Congrats in advance, Jericho!" sabat ni Jean.
Habang binabasa ko ang kanilang mga message para sa'kin, di ko mapigilang ma excite rin sa paparating na interview.
KAMU SEDANG MEMBACA
Maybe This Time, It's Real
RomansaAfter four years of choosing to stay single, Jericho convinces himself that being alone is easier than risking another heartbreak. But when his friends encourage him to join a BL dating reality show, he finds himself facing a decision he never expec...
