"UUWI NA TAYO BUKAS ANAK"
Masaya akong tumango kay mama, sawakas makakauwi na rin ako ilang months na rin ako nandito sa hospital, gawa nang pagkakahulog ko mula sa hagdan ng paaralan namin.
"Oh! Saan ka pupunta anak?" Tanong ni mama nang napansin niyang tinulak ko ang wheelchair ko gamit ng mga kamay ko, hindi pa'ko tuluyan nakakapag-lakad kaya naka wheelchair pa rin ako hanggang ngayon.
"Gusto ko lang po maglibot-libot sa labas tutal uuwi rin naman tayo bukas" masayang sabi ko kay mama pero ang totoo niyang gusto ko lang talaga makita si henry, pasyente siya rito
Halos nilibot ko ang buong hospital, ngunit hindi ko pa rin makita si henry. Napanguso ako pero kaagad 'ring napalitan ng matamis na ngiti nang makita ko si henry, nakatayo malapit sa may bintana, nakatulala na naman siyang nakatingin sa kalangitan, hindi na'ko nagulat ganoon kasi siya palaging nakatulala.
"Henry"
"Henry"
Tawag ko sa kanya pero mukhang wala siyang narinig nakatulala pa rin siyang nakatingin sa langit, pinagpatuloy ko ang pagsasalita ko nang makalapit na'ko.
"Aalis na kami bukas" may lungkot sa tinig ko dahil hindi ko na siya makikita. Gayunpaman nanatili pa rin siyang nakatingin sa langit na tila walang pakialam sa sinasabi ko.
"Hindi na kita muling makikita, mag-iingat ka rito ah! Sana gumaling kana para makauwi ka na rin"
Marahan niya akong nilingon na walang kahit anong emosyong makikita sa kanyang mukhang.
Naglakad siya at nilagpasan ako. Na para bang naiinis sa'kin dahil na istorbo ko siya, ngunit bago siya tuluyan makalayo, lumingon siya sa'kin na may ngiti sa kanyang labi na ikinagulat ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa kanyang pag-ngiti Halo mapunit ang kangya pisngi sa pag-ngiti niya sa'kin. May binibigkas pa siya sa hangin na lalong nakakapagpa-kilabot sa buong katawan ko.
"P-A-PA-T..." pilit kong binabasa ang binibigkas niya,
"A-Y-I-N..." kumunot ang noo ko ano ba 'yon? May binigkas pa siya sa huling pagkakataon bago siya tuluyan nawala sa paningin ko, ngunit hindi ko naman maintindihan.
Napailing na lang ako at pinagulong ko ang wheelchair ko, para bumalik sa room ko. Ngunit natigilan ako, nang napagtanto kong hindi ito ang daan papunta sa room ko. Naliligaw ba ako?
Pinagulong ko mula ang wheelchair ko, naghanap ako ng tao puwedeng pag tanungan. Ngunit bakit ganito? Tila ang tahimik ng buong paligid, walang katao-tao. Tila bang ako lang na tanging na rito. Para bang may mali.
"PAPATAYIN"
biglang nanlamig ang buong katawan ko nang mapagtanto ko ang ibig sabihin ng sinabi ni henry. Pinilit kong pinapakalma ang sarili ko, iniisip na nagbibiro lang ang lalaki na 'yon.
Itutulak ko sana muli ang aking wheelchair nang biglang, namatay sindi ang ilaw, pakiramdam ko pinagpapawisan na 'ko sa mga oras na ito.
Isang malaking pagbuntong hininga ang pinakawalan ko. Patuloy pa rin ang pagpatay sindi ang ilaw.
Walang katao-tao sa buong hallway, wala rin kahit anong ingay. Ang tanging naririnig ko ang paanan ng wheelchair ko, at ang patay sinding mga ilaw.
Mula sa malawak na hallway natigilan ako nang makitang mula sa dulong kuwarto ang biglang pagbukas nito. Nabuhayan ako ng loob sa inaakala kong meron na ngang tao.... ngunit
Ano itong nakikita ko.?
Totoo ba ito?
Anong nilalang ito.?
Napalunok ako,
Dahan-dahan siyang papalapit sa'kin.
Kahit hindi ko maaninag ang kanyang mukha, dahil patay sindi ang ilaw, ngunit isa lang ang masasabi ko......
-Hindi siya tao.....
Nanginginig akong napaatras, napalunok ako ng malalim. Sa takot ko nagsimula akong pinagulong ang wheelchair ko pabalik sa daang tinatahak ko kanina, nanginginig ang mga kamay ko.
Walang kasing bilis kong pinagulong ang wheelchair ko.kailangan kong makatakas alam kong nasa panganib ako sa mga oras nato. Alam kong kahit ano mang oras maabutan niya 'ko
Kailangan kong makalayo,
Kailangan kong makatakas mula sa panganib na ito
Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit tila may nakabara sa lalamunan ko hindi ko magawang sumigaw dahil sa takot. Pinagpapawisan ang buong katawan ko.
Akma na'kong liliko sa maliit na daan, ngunit bigla akong nahulog sa aking wheelchair, "shit"
Napapikit ako ng mariin, tuluyan na rin nagsipatakan ang mga luha ko, pilit 'kong tumayo para abutin ang wheelchair ko pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Nanghihina ako, pero hindi ako dapat panghinaan ng loob. GUMAPANG ako patungo sa wheelchair ko.
Gapang...
Isa pang gapang...
Isa pa...
Gapang pa....
Natigilan ako nang marinig ko ang malakas na yapak patungo sa'kin. Imbis na abutin ang wheelchair ko gumapang ako papunta sa isang kuwarto.
Gapang.... gapang.....
Gapang......
Isa pang gapang...
Isa pa......
Akma na'kong papasok sa maliit na kuwarto, ngunit natigilan ako nang may palad na dumapo sa aking binti.
Malamig iyon.
Napakalamig,
Walang kasing lamig
parang isang yelo sa lamig.
Alam kong narito na siya, naabutan ako nang nilalang na 'yon.
Tanging pagluha at kabog nang aking dibdib, ang naririnig ko.
Eto na ba...?
Eto naba ang katapusan ko..?
Mamatayan naba ako rito...?
Dahan-dahan kong nilingon ang nilalang sa likuran ko.
Manlaki ang mga mata ko sa aking nakita.........
"Ikaw.....?"
"Bakit.....?"
Napasigaw ako nang isang palakol ang tumama sa braso ko...... tumalsik ang mga dugo sa mukha ko, namimilipit ako sa sobrang sakit. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko, ngunit pinilit kong tumingin sa kanya
Inangat ko ang tingin ko sa nilalang na nasa harap ko. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa'kin.
"H-halimaw k-ka....."
"PAPATAYIN KA NIYA"
YOU ARE READING
Nurse Kat
FanfictionDISCLAIMER Inspired by Jamille Fumah's Casa Inferno. This story is written out of admiration for the atmosphere, themes, and storytelling that inspired me. However, all characters, events, dialogues, and plot developments in this book are purely fic...
