IN ANOTHER LIFE
Ang Taong Hindi Ko Kayang Maangkin Kailanman
Chantelle Celestine Flowencia Clavirita
May mga taong bigla na lang pumapasok sa buhay mo nang walang pasabi.
Hindi mo naman sila hinahanap.
Hindi mo rin naman planong mahalin.
Minsan, ordinaryong araw lang naman. Ordinaryong classroom. Ordinaryong usapan. Ordinaryong tao.
Pero somehow, siya na yung dahilan kung bakit ka na nag-aabang na dumating ang bukas.
At bago mo pa man marealize... mahal mo na pala.
Ganyan ang nangyari sa akin.
Hindi ko alam kung kailan eksakto nagsimulang mahulog ako sa kanya.
Hindi ko alam kung kailan naging importante na yung simpleng "good morning" niya.
Hindi ko alam kung kailan ko sinimulang hintayin na lumabas yung pangalan niya sa notifications ko.
Hindi ko alam kung kailan naging automatic na lumingon ako sa pinto tuwing umaga, umaasang siya yung unang papasok.
Hindi ko rin alam kung kailan naging dahilan na yung ngiti niya para ngumiti rin ako nang palihim.
Isang bagay lang ang sigurado ako.
Mahal ko siya.
At may mahal siyang iba.
"You're staring again."
Napalingon ako kay Florentine Maeve Alessandra Roselyn Montclair. Nakaupo siya sa tabi ko, naka-cross arms habang nakatingin sa akin nang ganun.
"What?"
She rolled her eyes.
"Don't 'what' me, Tine."
Itinaas ko kilay ko. "Anong ginawa ko?"
"Kanina ka pa nakatulala kay Ay-than."
Agad akong umiwas ng tingin. "Hindi kaya."
"Girl..."
"What?"
"Yung mata mo, parang sumusunod sa kanya saanman siya pumunta."
Yumuko ako at nagkunwaring nagbabasa sa notebook ko. "Nakatingin lang naman ako."
"Sa kanya?"
Hindi ako sumagot.
Bumuntong-hininga si Florentine. "Tine..."
"What?"
"Alam kong gusto mo siya."
Tumigil ang mga daliri ko sa pagsusulat. Ilang sandali, hindi ako nakapagsalita. Kaya nagkibit-balikat na lang ako.
"Kaibigan lang naman siya."
"Hindi sagot 'yan."
Ngumiti ako nang mapait. "Siguro nga 'yan na yung sagot."
Tinitigan ako ni Florentine. Alam niya. Syempre alam niya. Siya yung isa sa iilang taong nakakabasa sa akin kahit wala akong sinasabi. Alam niya kapag nagkukunwari akong okay lang ako. Alam niya kapag may tinatago ako. At higit sa lahat... alam niya na tuwing sinasabi kong "kaibigan lang siya," nagsisinungaling ako.
Tumingin ako sa kabilang bahagi ng classroom. Nandoon siya.
Athaniel Caelus Rafael Devereaux. Ay-than. Yung taong pinakamahalaga sa akin. Yung taong hindi ko dapat minahal.
YOU ARE READING
Maybe In Another Life
Romanceitong kwentong ay hango lamang saaking imahenasyon kung ayaw nyong malungkot Hindi ito para sainyo ito ay paalala lamang . . . Mahal mo siya pero kaibigan mo Ang mahal niya paano bang Suprportahan Silang ng Hindi ka nasasaktan?
