Sa aming tahimik na bayan sa lalawigan ng Capiz ay may bagong lipat na magkasintahang si Clara at si Carlo. Sila ay tubong Maynila kaya wala pang halos nakakakilala sa kanila. Ang lugar ay tahimik at sagana sa gulay, maaliwalas ang paligid at walang iniindang takot ang mga kabahayan. Buong akala namin.
Pagdating ni ate Clara at kuya Carlo lahat kami ay nakatingin at nabighani sa kanilang mga kutis, pati ang mga naglalarong mga bata ay napahinto dahil nakuha ng dalawa ang atensiyon ng mga naroroon sa labas. Mukha kase silang mayaman dahil nga sa kanilang mga awra. Ang kanilang mukha ay hindi maipinta dahil sa lubos na pagtataka kung bakit sila pinagtitinginan.
Lumapit sila sa akin at nagtanong
"ate, saan po dito ang bahay nila Aling Rosita?" Nagtaka ako, dahil nanay ko ang simasambit nito.
Walang anumang bumuka ang bibig ko at tila sumunod agad sa tinatanong nang magkasintahan. "Dito po" saad ko.
Tinatanong niya din ako kung nasaan ang aking Inay. Agad naman lumabas ng silid ang aking Inay, at agad niyang nakilala ang dalawang ito. Pinakilala naman ako ni nanay bilang Puring, 12 taoong gulang palang. Pinatuloy ni inay ang dalawa, pumunta daw sila dito upang magbakasyon, ito daw ang napiling lugar na pagbakasyonan dahil maayos daw dito ang pakikitungo ng mga tao.
Dumating ang araw na amin na silang makakasama, nagkukusa naman silang tumulong ngunit pag wala na sila Inay at Itay ay wala na silang pakialam sa mundo. Pakitang-tao kung baga, iyon ang rason kung bakit hindi ako masaya na at nakilala ko sila, kay ganda nilang pagmasdan sa kanilang pisikal na anyo, ngunit, masama ay kanilang pag-uugali. Sa kanilang kilos, tila hindi sila ordinaryong tao o nagpapakitang tao lang kapag may nakaharap.
Nagpatuloy ang gawain nilang ganon, ako ang taga salo sa mga gawain nilang hanggang umpisa lang, sinasabi ko ito kay Inay, maging kay Itay, ngunit gaya ng mga nasa telebisyon, hindi ka nila paniniwalaan kung wala ka namang prowebang maipapakita. Makakita lang sila ng isa mong kamalian ay silang magiging agresibo, akala mo kung sino.
Gayunpaman, hindi ko na ibinahagi kay Inay ang nangyari. Tutal, hindi rin naman siya maniniwala sa akin. Nakakatuwang isipin na sa tuwing sinusubukan kong ipagtanggol ang sarili ko, ako pa ang napagkakamalang masama.
Hanggang sa isang araw may nangyareng hindi inaasahan ng lahat.
"Clara! Ano ba ang nangyari sayo?" sigaw ni nanay "po? Anong meron at kayo'y tila naka kita ng multo?" Tanong niya kay inay.
"Bakit anrami mong butlig sa iyong mga balat? Maging sa iyong mukha?" tanong ni inay, "napaka aga pa ay...."hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng may nakita ko ang pag mumukha ni ate Clara.
"Ka-ka-kadiri! Ano iyon?! Ba-bakit may lumabas na uod sa iyong tainga?" Sigaw ko sa kaniya at bahagyang lumayo at umiwas ng tingin, sino ba namang may gustong tignan 'yon diba? Kahit ang kaniyang nobyo ay umiwas ng tingin sa kanya.
"ba-bakit may uod?" utal niyang saad "ano to?! Bakit may ganito, saan ko ito nakuha, hindi naman ako umaalis ng bahay kaya't papaano ko ito makukuha" mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Naiiyak, nagtataka, at galit, hindi mapatahan ni Carlo ang kaniyang nobya dahil pati rin siya ay nagtataka. Dumating si Mang Mando ng walang sabi. basta na lamang siyang sumipot sa aming pintuan, isa siyang babaylan, sabi ni Inay magaling daw ito at marami na siyang natulungang taong nakakaranas ng mayroong hindi karaniwang sakit.
"Ano po ang inyong kailangan?" tanong ni inay "sana'y isa sainyo ang magsisi sainyong ginawa, ata sana'y mapatawad kayo ng Bathala" Babalang sinabi niya sa harap namin saka umalis.
"Ano kayang nais isiwalat ng mamang iyon?" pagtatanong ni inay, at pinigkibit-balikat nalang namin ang tagpuang iyon.
Halos dalawang araw ang nakalilipas at ganoon pa rin si ate Clara. Galing kami ng pagamutan, ngunit ni ang mga doktor ay hindi batid kung anong klaseng sakit ang dumapo kay ate Clara. Sabi ng ibang nakakakita sa sitwasyon ng ate Clara baka raw barang, o kulam, at iyon ang aming ipinagtataka, dahil hindi pala labas si Clara kaya't paano ito mababarang.
YOU ARE READING
MAKAPANGYARIHANG BULONG
HorrorAng magkasintahang may kakaibang tinatagong sikreto. Nang isang simpleng bulong ni Inay ay hindi inaasahang magkatotoo, nagsimula ang mga pangyayaring hindi maipaliwanag. Sa pagitan ng sumpa, takot, at mga nilalang mula sa alamat, matutuklasan ni Pu...
