Ang unang bantas

29 6 1
                                        

Kabanata 1: Ang unang bantas

Sa malayong panahon at daigdig, isinilang ang pinakabagong binhi ng buhay. Nabuo ang isang mundo kung saan hindi mga tao ang naninirahan, bagkus mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan.

Nag-umpisa ang lahat sa isang malasutlang pisi, ito ay ang nag sisilbing batas ng kalawakan. Ang batas na nilabag at hinabi ng pinakaunang Diyos.

Siya ay walang wangis, tinig, at kulay. Ang tanging meron siya, ay liwanag at dilim. Ang kaniyang katawan ay nababalot ng liwanag datapwa't ang mukha naman ay may wangis ng kalawakan.

Ang malasutlang pisi ay kaniyang hinawakan at duon nabuo ang buhay ng El Dorado.

Inumpisahan ng walang wangis na Diyos na gawin ang Vera na ang katumbas sa mundo natin ay ang langit. Tumungo siya sa pinakamataas na parte ng kalawakan at isinamo ang kaniyang kapangyarihan.

Sa isang kumpas ng kaniyang kamay, nabuo ang liwanag, nagkaroon ng unang bantas, at nabuo ang tahanan niyang Vera.

Sumunod ay ginamit niya ang pisi. Ang pisi ay nag liliwanag na tila isang maningning na sinag ng buwan. Maikli lamang ito ngunit ito ang nag bibigay enerhiya sa buong kalawakan, kaya naman ng kaniya itong gamitin, nabuo ang unang buhay-ang puno ng Elira.

Ang Elira ay isang puno sa gitna ng kalawakan, ang mga sanga nito ay konektado sa enerhiya ng lahat ng daigdig. Maging ang pisi na hawak ng Diyos ay konektado dito, kasabay nang pagkabuo ng puno, ay ang pag pulupot ng pisi sa bawat dahon, sanga, at ugat nito.

Ang puno ng Elira ang naging tagna ng batas ng realidad, panahon, kalawakan, at kapangyarihan. Subalit nang sumanib ang pisi sa puno ng Elira, ito ay nagkaroon ng hati. Ang kahati nito ay ang batas ng Bugna, o ang batas ng kapalaran ng bawat dungan.

Nang mawala ito, nawala na rin sa kontrol ng Diyos ang kapalaran ng kaniyang mga inilikha.

El DoradoStories to obsess over. Discover now