Sa kalagitnaan ng madaling araw, bigla na lang nabulabog ang tahimik na bahay ng mag Victoria sa pagring ng kanilang telepono.
Sinagot ito ni Joey dahil nagising sya, "Good am, sino po sila?",
"Ito ba ang bahay ni Gian Victoria?" kabilang linya.
"Opo, ito nga po, ano po ang problema? ako po ang kapatid nya."
"Kailangan niyo ng magmadaling pumunta dito sa Makati Police department, may nangyaring aksidente kasama nag kapatid mo."
Nagulat si Joey, mga ilang segundo muna bago siya napasigaw at tinawag ang kanyang mama.
"MA!" tawag ni Joey.
Dali- dali silang pumunta sa sinabi ng police.
Nang makarating sila doon, may apat na lalaking duguan.
Sa kaliwa, lalaking puno ng dugo ang ulo na walang malay pero halatang humihinga pa.
Sa kanan naman, si Gian nakahiga ng walang malay at duguan.
"Ano po ang nangyari sa kanya?!" sabi ni Sally
"Involve po sya sa isang car accident, matindi po ang pagkakabangga nya sa isang malaking truck." Police.
"Dalian nyo! Ihiga nyo na itong isa sa stretcher, humihinga pa sya" sabi ng isang police na nakaturo sa isang lalaki na puro dugo ang ulo.
"Ang kapatid ko! Kailangan din syang dalhin sa ospital! May pag-asa pa!" Maluha- luhang sabi ni Joey. "Dalian nyo na!" umiiyak na si Joey.
"Miss Victoria, hindi na niya kailangan pang dalhin sa ospital." sabi ng police na hinawakan ang braso nya at sinusubukang pakalmahin sya.
"Bakit hindi?!! Nasisira na ba ulo niyo? Duguan din sya!" Joey.
"I'm sooorry, pero patay na sya." police.
Natulala lang si Joey at halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan niya. Pero patuloy lang ang pagtulo ng luha niya.
Nawalan ng malay ang mama niya.
"HINDI! Nagsisinungaling lang kayo! sabi ni Gian babalik din sya kaagad, buhay pa sya!" paiyak na sigaw ni Joey.
"SOOORRY , wala na akong magagwa iha."
"Stretcher para kay Gian Victoria!" sigaw ng police.
Bago pa kunin si Gian, dahan- dahan syang nilapitan ni Joey, tinitigan nya ang magandang muka nito, hinaplos ang kanyang buhok tulad ng ginagawa sakanya ng kuya nya. At niyakap nya ito ng mahigpit habang umiiyak.
"Miss Victoria, kailangan na naming kunin ang kapatid mo." sabi ng police, at tuluyan ng inilagay si Gian sa stretcher at tinakpan ng puting kumot.
"Bakit, bakit, bakit Gian?" pabulong na sabi ni Joey sa hangin habang umiiyak.
Halos hindi makagalaw si Joey. Puro iyak sya.
Nakaramdam sya ng sobrang pagkalungkot at sakit. Habang nakatingin lang sya sa mga police na papalayo na.
August 14, namatay si Gian Victoria.
YOU ARE READING
HarPiano ♥
RomanceCan music takes the pain all along the way? PLEASE, BEAR WITH THE TYPOS AND WRONG GRAMMAR. THANK YOU!
