Chapter 1

44 1 0
                                        


Disclaimer:

Slam Dunk and all its original characters, settings, and concepts belong to Takehiko Inoue and their respective copyright holders. This story is fanfiction created purely for personal enjoyment and creative expression.

All original characters, plot elements, and story details are all product of author's imagination

No copyright infringement is intended, and no profit is being made from this work. .

Good afternoon, passengers. This is your captain speaking. I'd like to welcome everyone on Shitei Airline Flight SA3456. We are currently descending and will be landing shortly. Please ensure your seatbelt is securely fastened and your seat backs and tray tables are in their full upright position." paalala ng kapitan hudyat na malapit na mag land ang eroplano na sinasakyan ni Amaya kasama ang kanyang mga magulang. Ang kuya Anton naman nya ay di nila kasama dahil ito ay nasa bansang United Kingdom at nag-aaral ng kolehiyo sa Kursong Arkitektura sa pamamagitan ng Scholarship sa isang kilalang unibersidad doon.

" Insaaaaan!!! " agad naman na pabaling ang atensyon ni Amaya sa boses na sumisigaw. Sa di kalayuan sa waiting area ng paliparan natanaw nila ang kanyang tiyahin na nakakatandang kapatid ng kanyang ama, ang kanilang Auntie Yumi kasama ang kanyang pinsan nasi Yohei.

" Welcome back! Yukito at Aiko.Kumusta naman ang naging byahe?" bungad na tanong ni Yumi sa kanyang kapatid.

" Ayos naman ate. Oh ito na ba si Yohei ? Aba... binata na ah!"

" Hi tito welcome back po!" pagbati naman ni Yohei sa tiyuhin.

" Salamat!" maiksing sagot nito.
" Hintayin nalang natin si Touma saglit, kinuha nya lang ang sasakyan" habang abala ang mga nakatatanda mag kwentuhan bumaling naman si Yohei sa pinsan

"Maya kumusta ka na? Welcome nga pala." bati ni Yohei sa pinsan sabay akbay dito.

" Oh eto Yohei buhay at humihinga pa." biro nya na sya namang nagpatawa sa pinsan.

" Nga pala si mama pala nag asikaso ng pagtratrasfer mo dito at nasabi na rin nya na sa school ka namin nya in-enroll sa Shohoku High".

" Nabanggit nga rin yan ni mama. Buti nalang tinanggap pa ang enrollment ko sa Shohoku High kahit late na ako ng higit isang buwan sa pasukan. Magkaiba kase ng umpisa ng school year dito sa Japan kumpara sa Pilipinas. "
" Buti na nga lang natanngap ka, eh balita ko sinubukan ka rin i-enroll ni Mama sa Kainan Dai at Sa Shoyo High dahil yung dalawang school na yun yung top choices ng daddy mo na pag aralan mo ng high school, pero yun ngalang di nila tinanggap enrollment mo dahil masyado na daw late."

" Ayos lang yun atleast magkasama tayo sa isang school. Sure ako di ako masyado mahihirapan mag adjust dahil matutulungan mo ko."

" Aba eh syempre naman ikaw pa ba. Malakas ka sakin insan hahaha"

" Gusto ko narin makita sila Hanamichi matagal ko na din silang di nakita. Nakakamiss din yung mga gunggong na yon" ani ni Amaya

" Wag ka mag alala, sa Lunes papasok ka na at makikita mo narin yung mga yun. Oo nga pala nasabi rin pala na kaylangan mo umattend ng remedial lessons para makahabol ka tuwing after class yun Maya" tango nalang ang tinugon nito sa turan ng pinsan

" Oh ayan na si Touma tara na at ilagay nyo na yung mga maleta nyo sa isang sasakyan tapos dun naman tayo sa kabilang sasakyan sumakay ng makauwi na tayo at baka abutan tayo ng traffic." sabi ni Auntie Yumi nya.

" Tara na insan. Akin na tulungan na kita dyan sa maleta mo."

" Salamat insan" agad naman nilang inisa isang isampa ang kanilang mga bagahe sa sasakyan at pagkatapos ay sumakay narin sila para makabyabe pauwi ng Kanagawa.

End of Chapter 1

The Unintentional MistakeStories to obsess over. Discover now