City Lights and Coffee Night

13 1 0
                                        

"Some people heal by forgetting. Some heal by forgiving. Love? She healed by drinking coffee and minding her own business... most of the time."

September.
Paboritong buwan ni Love. Hindi lang dahil ilang hakbang na lang ay Pasko na-na siya namang paboritong excuse ng mga Pilipino para magsimulang magpatugtog ng Christmas songs, kundi dahil iba ang lamig ng simoy ng hangin tuwing Setyembre. Lalo na sa terrace ng bahay nila sa Cainta.

Nakatayo ang bahay sa pinakataas na bahagi ng subdivision kaya kitang-kita mula roon ang kumikislap na city lights ng Metro Manila.
Para itong napakalaking kumot ng mga bituin na ibinaba sa lupa.

"Hay..." Humigop si Love ng mainit na kape. Ito ang paborito niyang routine tuwing rest day. Isang tasang black coffee, cellphone, at walang katapusang pag-scroll sa social media.

Pagtingin sa oras...
"Ang bilis talaga ng oras kapag wala kang ginagawa."

Napailing siya habang pinapanood ang video ng isang pusang nag-aaway sa salamin.

"Ikaw talaga, algorithm. Alam mo kahinaan ko."

Isang notification ang pumasok.
Flash Sale! Up to 80% OFF!
Napabuntong hininga siya.

"Lord... hindi na po ako bibili."

Makalipas ang dalawang minuto...
Tatlong lipstick.
Dalawang phone case.
At isang organizer na hindi niya naman kailangan ang nasa cart.

"Dear future me, bahala ka na."

Ngumiti siya nang walang kausap. Ganito siya kapag walang trabaho. Tahimik. Masaya. At walang customer na sisigaw ng...

"I want to speak to your supervisor!"

Napahawak siya sa noo. Bilang Customer Service Advisor sa isang kilalang BPO company, sanay na siyang makipag-usap sa iba't ibang klase ng tao.
May mabait. May demanding. At may customer na akala mo siya ang may problema dahil hindi pa din niya maintindihan ang alphabet ng mga Indiano.

G for Jesus Christ.
Q for Cucumber
E for Idiot

"Let me clarify, Kumar. Is it E for Elephant or A for apple?"

Nangingiti pa sya ng maalala kung paanong ang indianong customer niya kanina ay lubos na nagpasalamat ng maresolba niya ang nawawalang 25 cents sa account nito. Ang wika pa ay bibisita sa pinas para hanapin sya.

"25 cents nga lang, nagsisisigaw kana na akala mo 1 milyong dolyares na yung nawala sayo tapos pupunta ka pa dito sa Pinas?!" Yun ang iniisip ni Love nang biglang bumukas ang sliding door.

"Love."

Lumingon siya. Si Ate Len, bitbit ang panibagong mug ng kape.

"O, refill." Napangiti si Love.

"Ate Len, paubos pa lang 'to ah." Nakangiting sabi niya.

"Kaya nga may kapalit na."

Tinanggap niya ang mug. "Salamat, ate ko."

"You're welcome, Love." Sabi nito sa malambing na boses. "Bilin ng ate mo, huwag ka raw magpuyat."

Pabiro syang umirap bago nilagok ang natitirang kape sa unang mug. " Ate Len..., twenty seven years old na ako..." Simpleng reklamo ko pero nakangiti pa din.

"Sabi rin ng ate mo, kahit mag-seventy ka pa, mas bata ka pa din sa kanya."

Napatawa siya. "Si Kirara talaga."

The One Who StayedStories to obsess over. Discover now