Hemos actualizado nuestras Pautas de Contenido.
Consulta las pautas más recientes para seguir compartiendo historias de forma segura.

Chapter 1 The Another World

15 0 0
                                        


Monday, June 26, 1900

NAKAIMPAKE na ang lahat ng kakailanganin ko para sa pagpunta sa misteryosong lugar. Nakasuot ako ng americana at ng salamin. Nagpabango na rin ako para presentable ang dating.


Dahil mamaya pa naman ang alis namin, mas minabuti ko na lang na kunin ang aking libro sa aking bag at ipagpatuloy ang pagbabasa sa paborito kong libro.


Nasa kalagitnaan ako ng aking pagbabasa nang may tumawag sa pangalan ko mula sa aking likuran. "Nandiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," atungal pa nito.

Nilingon ko ang nagsalita. Tumambad sa akin si Zayne Chavez, ang pinsan ko. Siya rin ang itinuturing kong best friend.

"Anong ginagawa mo rito?" inis kong tanong habang sandaling kinamot ang aking ulo.

Napa-pout ang kanyang labi. "Aalis na kasi tayo."

"Ngayon na?!" gulat ko namang tanong. "Kala ko ba, mamaya pa?"

"Alam mo na," sagot niya sabay kamot sa ulo at bumungisngis. "Hindi inaasahang pag-a-adjust ng schedule."

"Ganoon ba?" tanong ko. "Pakitulungan na lang akong buhatin ang mga gamit na ito." Kusa siyang tumalima sa pakisuyo ko.

"Nasaan nga pala si Vayne?" tanong ko.

"Nandito sa likod ko," sagot niya at itinuro ang kinaroroonan ni Vayne. "Ayaw umalis." Napabuntong hininga siya.

Si Vayne Hashimoto ang fiancee ni Zayne. Balita ko, simula bata pa lang sila, patay na patay na si Vayne kay Zayne kaya lagi siyang naka-cling at wala pa ring pinagbago hanggang ngayon.

"Kamusta, Senpai!" bati ni Vayne mula sa likuran ni Zayne.

Yumukod ako bilang pagbati.

"Saan ba tayo pupunta?" pangungusisa niya.

Sinabi ko sa kanya na pupunta kami sa Castle of the Moon. Ito ang kastilyong natuklasan ng lolo ko noong nabubuhay pa siya. Ayon sa aking ama, na siyang kasama ng aking lolo sa pagtuklas ng kastilyong ito ay puno raw ng misteryo ang lugar na iyon.


Hindi raw pangkaraniwang ang kastilyong iyon dahil tuwing gabi ay nawawala ito sa mapa. Dagdag pa, ipinamana na sa akin, na siya ring ipinamana ni lolo sa aking ama ang mapa papunta sa kastilyong ito.

Malinaw pa sa aking alala ang usapan namin noon bago ang huling sandali na siya ay naririto pa. 

"Anak," tawag sa akin ni Tatay, "kapag nasa tamang edad ka na..." Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil nahihirapan siyang makahinga dala na rin ng may katandaan na edad ng aking tatay, kita sa mukha ang pag kamutla nito na tila ba ay marami siyang sakit na iniinda.

"Tay, ano pong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ko. Hindi ko na rin napigilang tumulo ang mga luha ko. "Dadalhin ko kayo sa ospital."

"Huwag na, anak," pagpipigil niya habang hirap sa paghinga. "Alam kong hindi na ako magtatagal pa."

"Tay, huwag mo pong sabihin iyan," pagtanggi ko sa sinabi niya at tuluyan na akong humagulgol. "Gagaling pa po kayo. Huwag kayong susuko. Magsasama pa tayo ng matagal." Hinaplos niya ang aking buhok at pinatahimik ako.

"Hayaan mo," pagpapakalma niya. "Sa tamang panahon, magkikita uli tayo. Kapag dumating ang panahong iyon, makakasama na uli kita. Sana lumaki ka pa ring isang mabuting bata. Tandaan mo, lagi lang akong nandirito sa tabi mo. Mahal na mahal kita." May ibinigay siyang isang bagay na sa tingin ko ay mahalaga para sa kaniya bago siya muling nagpatuloy. "Itago mo ito."

Yuu's AdventureHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora