PROLOGUE!!

0 1 0
                                        

"Teka, ano ba ito?" tanong ni Tantan sa'kin habang nakatingin sa kaniyang daliri na nilalagyan ko ng pulang tali.

"Pulang tali, bakit?" sagot ko habang abala sa pagtatali nito, nang patapos na ako ay iniangat ko ang ulo ko na kanina lang ay nakayuko.

Nakita ko ang seryuso niyang mga tingin sa'kin, kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Ah-kase naman...para saan ba ito?" kamot batok niyang tanong habang tinitignan ang pulang tali sa kaniyang daliri.

"Hmh.." tanging tinig na lumabas sa bibig ko habang tinitignan siya sa mukha na dahan-dahang lumilingon sa'kin.

"Kase...iiwan mo na'ko... remembrance yan," usal ko. "Meron din ako niyan oh!" ngiti kong sabi at ipinakita ang pulang tali sa aking daliri.

Ngumisi lamang siya at tumayo sa kinauupuan.

"Gotta go." malambing ngunit may halong sakit sa kaniyang boses, bigla itong sumimangot.

At dahil wala akong magawa at wala akong lakas ng loob para pigilan siya at mag-drama ay tinitigan ko lang siya habang naglalakad papalayo, at papunta sa gawi ng kaniyang mga magulan na nag aantay sakaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili na umiyak habang tinitignan ang best friend ko na aalis.

Pero hindi eh! Mahal ko na siya...

Habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko kasabay ang pagsunod ng mga titig sa palayong si Ethan ay huminto ito sa paglalakad at lumingon sa'kin.

Pagkakita niya sa'king umiiyak ay tumakbo siya palapit sa gawi ko. Nang makalapit siya sa'kin ay pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya na kinuha niya lang sa bulsa niya kasabay non ang pagyakap nito sa'kin.

"May Cuevas! Hintayin mo ako...At sa pagbalik ko, papakasalanan kita at poprotektahan kita, pangako." bulong nito sa aking tenga habang dama ko ang init ng kaniyang hininga sa aking batok. Kinalas nito ang yakapan namin. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa aking palad ang panyong ginamit niya kanina para punasan ang aking mga luha.

Pagkatapos non? Naglakad na ulit siya palapit sa gawi ng kaniyang mga magulang, at kahit masakit ay sinundan ko nalang ng tingin ang sasakyang sinakyan nila habang unti-unti itong naglalaho sa paningin ko.

*****

Ako si May Cuevas. Isinarado ko na ang puso ko simula nong iwan ako ng childhood bestfriend ko. It's been 5 years since he left me. At hanggang ngayon umaasa pa'rin ako na babalik siya kahit medyo impossible na. Pero nong umalis siya wala na akong balita sakaniya. Nasa America na raw kasi namumuhay ng pribado.

Pero seryuso, mahal ko siya...(mahal ko siya, mahal ko siya, mahal ko siya)*echoo

Keep Me, Alone!!Stories to obsess over. Discover now