Chapter 25

135 7 0
                                        

Kitang - kita ng dalawang mga mata ko kung sino ang nag-iisang binatang anak ng dumating na magiging kasosyo pala nina Mommy at Daddy.

It was Jap actually. .

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. It's a small world talaga.

Pero hindi ko maitatangging, nakaramdam ako ng saya, excitement at siyempre hindi pa rin nawala ang kaba.

" Ms. Amanda, meet our daughter Margaret." Kusa naman akong humarap kay Tita Amanda at nginitian ito.

" O siya pala ang kaisa-isahang anak niyo? I knew her. I saw her once. Saan nga iyon Jap?" Tila nag-iisip na saad ng Mommy ni Jap.

Ay oo nga pala. I saw her once too.

" My welcome party Mom." Pormal na tugon ni Jap na sa'kin lang nakatingin.

" Ay oo, I remembered it. This was the girlfriend of Claudia's Son, right?"

" Yes Ms. Amanda. She is." My Mom replied.

" Ano ka ba, parang ang pormal naman natin sa isa't-isa, since mukhang magkakaedad naman tayo e, let's just call each other in our own name. " Nakangiting sabi ng Mommy ni Jap na laging naka-ngiti.

" Oo nga naman, o siya maupo na kayo dito sa mga hinandang sits namin sa inyong tatlo." My Dad spoke.

Kaya kaagad rin silang naupo.

Magkatapat ang naging upuan namin ni Jap. At hindi man kami nag-uusap ni Jap ay nagkakatitigan naman kami.

Tsk. Nakakailang nga e.

Pero ang kaninang nakakunot ko ng noo sa inis, ay napalitan ng pag-kaaliwalas.

Ewan ko ba. Feeling ko, na-goodvibes ako. Naks naman.

" So eto na pala ang binata mo. Parang kelan lang noong makita ko itong kasama niyo ni Luis na kay liit pa ah." My Dad said habang nag-simula na ang lahat sa pagkain. Pero ako, hindi ko yata magalaw ng maayos ang pagkain ko.

" Oo nga Jim e. Hindi ko rin akalain na lalaking ganyan ka-gwapo ang Anak ko." His Mom replied.

Yeah, right.. Gwapo talaga.

Pero hindi iyon pinansin ni Jap, diretso lang ito sa pagkain at parang may ibang iniisip.

" Naku Amanda, kung wala lang boyfriend itong Anak kong si Margaret, e ipinagkasundo ko na dito sa Anak mo." My Mom kidded. Na ikinabigla ko.

Napatawa naman si Tita Amanda. At ako lihim akong napa- 'sayang.

Lagot na talaga ako kay Zake.

Nagkatinginan naman ulit kami ni Jap dahil doon.

Seryoso, nag-uusap lang kami sa tingin? Tsk.

" Tamang-tama sana kasi walang gf itong Anak ko. Di ba Jap?" Baling ni Tita Amanda kay Jap.

Lahat naman kami ay tumingin sa gawi ni Jap, at hinihintay itong magsalita.

Pero sa halip na sumagot ito ay kumibit-balikat lang.

" Medyo tahimik pala 'tong binata mo ano?" Si Daddy.

" Pagpasensiyahan niyo nalang yang si Jap, wala kasi yan sa mood kaninang niyaya ko dito. Etong anak kong babae. Eto ang napakadaldal kesa sa Kuya niya." His Mom said. Na ikinangiti naman ng nakababata niyang kapatid.

" Hello po, suplado po kasi yang si Kuya e. Kaya po siguro hindi nagkaka-gf." Sabat nito na ikinatawa ng lahat. Except Jap and I.

Suplado? E pero bakit sa'kin hindi naman.

Tiningnan naman ni Jap ang kapatid niyang babae ng masama.

" Excuse me lang po, mas pagpasensiyahan niyo na po 'tong kapatid ko, hindi niya po alam yung sinasabi niya." Pagtanggol ni Jap sa sarili niya.

" Jap." Saway naman ni Tita Amanda.

Well, aware naman ako na hindi maganda ang pakikitungo ni Jap sa kapatid niya. Nabanggit kasi ito minsan sa'kin ni Zake. Sa Mommy niya lang kasi ito kapatid.

" Nakakatuwa naman 'tong dalawa mong Anak." My Dad.

" Amanda, nasaan na pala ngayon si Luis?" Tanong naman uli ng Daddy ko.

" Nasa Singapore Jim, doon na nagmamanage ng Company na hawak niya."

" Ganoon ba, e mabuti na pala ang lagay niya doon e. "

" Oo, actually doon nga itong si Jap nag-stay ng matagal doon."

" Really? E hindi na ba nakakauwe ng Pilipinas itong si Luis?" My Mom asked.

" I dont think so, kung may plano pa siyang umuwe. Alam mo na, masyado kasing busy yon sa trabaho. Puro trabaho lang ang iniisip. Kaya hindi na rin naisipang mag-asawa ulit."

" Kaya nga pinauwe ko na itong si Jap e, baka naman kasi hindi naaasikaso ng maayos. Alam mo naman yon, wala yata talagang panahon para sa kanyang pamilya. That's why I left him. Yung Daddy ni Megan, he always make time for us. Kaya mahal na mahal ko." His Mom added.

Pagkasabi namang iyon ni Tita Amanda ay kaagad na umagaw ng atensiyon naming lahat ang biglang malakas na pagbaba ng gamit na kubyertos ni Jap. Naglikha kasi iyon ng ingay.

Napansin kong tumalim ang titig nito sa platong kinakainan.

" Iho, may problema ba?" His Mom asked. Pero hindi nito iyon sinagot.

" Excuse me po, I'll just go to the Comfort Room." Paalam nito sa amin na hindi man lang tumingin sa amin.

Nahalata ko rin kasi na mayroon itong galit na naramdaman, dahil sa nakita kong reaksiyon ng mukha nito.

I wanted to follow him, pero sa Comfort Room siya pumunta, alangan namang pasukin ko siya sa loob. Awkward diba?

Pakiramdam ko pati'y kaya ito nagkaganoon ay dahil siguro sa nabanggit ng Mommy niya. And I was right then.

" Pasensiya na kayo sa Anak ko ha, ganyan lang talaga siya kapag napapag-usapan ang Daddy niya." Sabat ng Mommy ni Jap.

" Walang problema Amanda, kami nga ang hihingi ng paumanhin at naulit pa namin itong si Luis."

" Mabuti pa'y tapusin na lang muna natin ang ating pagkain nang mapag-usapan na natin ang business details natin." Pag-iiba ni Daddy.

At nag-alala naman ako para kay Jap.

May ilang minuto rin kasi itong naglagi sa banyo.

Ano na kayang nangyare dun? Kung pwede ko lang sana siyang sundan.

At sa wakas, after we've done eating ay lumabas ito ng CR.

Bumalik ito sa table na nakasimangot pa rin.

" Mom, una na po akong umuwe. " Paalam nito na mahahalata mong may galit sa tono ng boses.

" Why son? Hindi pa kami tapos."

" You can handle that Mom, sige na.. I'll go ahead." Paalam pa rin nito.

Nakaramdam naman ako ng dissapointment.

Ganon kabilis? Uuwe na siya?

" And nice to see you Marga, bye." Huling paalam nito sa'kin.

Napangiti naman ako ng bahagya dahil, hindi niya ako nakalimutang pagpaalamanan. Yun nga lang, agad - agad talaga umalis?

Hays, sayang naman ang gabing ito.

E teka, bakit naman ba ako manghihinayang??

E kasi nga, parang ang boring lang ng buhay ko kapag wala siya sa paningin ko.

O em! What the fuck I just said?

Hindi ko na talaga kinakaya 'to.

Im so dead. Tsk

MY SECRET LOVEWhere stories live. Discover now