Chapter 1

13 1 1
                                        

Hindi ko alam kung naniniwala ba kayo sa kasabihang, "Darating ang tamang tao kapag hindi mo siya hinahanap."

Kung ako ang tatanungin, hindi rin.

Kasi noong mga panahong nagsimula ang kwentong ito, ang hinahanap ko lang talaga ay pampalipas ng oras.

Bakasyon noon. Walang pasok, walang assignments, at halos buong araw akong nakahiga habang walang ibang ginagawa kundi mag-scroll sa Facebook.

Hanggang sa may isang advertisement na paulit-ulit dumadaan sa news feed ko.

Isang dating app.

Sa sobrang bored ko, napaisip ako.

"Sige na nga, subukan ko ulit."

Hindi naman ito ang unang beses na nag-download ako ng dating app. Pero gusto ko lang linawin hindi ako naghahanap ng boyfriend noon.

Trip lang.

Curious lang ako kung sinu-sinong tao ang makikilala ko.

Pagkatapos kong mag-register, sunod-sunod na ang mga nagme-message.

Sa una, okay pa. Simpleng "Hi" at "Hello."

Pero habang tumatagal...

May mga taong sobrang kakaiba.

May mga bastos na agad ang bungad. May iba namang kung anu-anong alok ang sinasabi na hindi naman ako komportable.

Ang ending?

Delete chat.

Ignore.

Next.

Paulit-ulit lang.

Napaisip pa nga ako kung bakit ganito halos lahat ng nakakausap ko roon.

Minsan gusto ko na lang i-uninstall ang app at bumalik na lang sa panonood ng videos.

Hindi ko alam na sa dami ng taong nakausap ko...

May isang notification na magpapabago ng lahat.

Isang simpleng "Hi po."

Mula sa isang taong ang pangalan ay...

Josh...

[To Be Continued]

The Match I Didn't Expect (2.0)Des histoires addictives. Découvrez maintenant