We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Chapter 1

5 1 0
                                        

Others inherited their family wealth, others their family's genes, or their family's debt. But mine was my great father's memories...and his greatest agony.


And it's my revenge to fulfill and ease his resentment!


"Halos pinagbiyak kayo ng bunga" anas ng Lola, maya-maya ang panginginig ng mga kamay at bigla na lang mapaluha. 


And yeah, I also inherited my father's...99% exact physique.


Sa tuwing makikita ako ng pamilya ng papa, they always remind them of him. It's always not me. But it doesn't matter. I live to get back to those who ruthlessly end his happiness.


Pinahid ng Lola ang luha at malungkot na napangiti. "Pasensiya na haha may naalala lang, ijo. Nga pala, anong pasya mo sa pagbabalik eskwela?"


Hindi ko magawang ngumiti pabalik, sa alaala ko ang Lola ang may pinakamagandang ngiti. Pero ngayon nahahaluan na ng pighati. Parang kinapos ang dibdib kong makita yon.


Tumango na lamang ako at napayuko. "Susunduin ko ang maging pasya ng nga nakakatanda"


Masaya na siya roon, parang may naalala sa naging sagot ko. "Ganiyan nga, ijo. Masunurin sa mga nakakatanda. Ganiyang-ganiyan ang ama mo. Hindi mapagkaila ang ugnayan ninyo"


Kinuha niya ang mga kamay ko at nilabas ang isang asul at makapal na sing-sing. Para iyong umiilaw nang dumapo sa mga daliri ko. Nagugulat akong napataas ang tingin.


"Ito ba ang inheritance ring ng papa?" Halos manginig ang buong katawan ko. Kahit hindi alam ng Lola ang buong kwento sa likod ng sing-sing, alam ko yon. 


Tumambol ang sarili kong dibdib, inaangkin ang hindi naman sa kaniya. Kahit alaala lamang, hindi mapigilan ng puso ko ang angkinin ang kalapit na pakiramdam doon.


"Pinagkaingatan ng papa mo ito" malungkot na naman ang mga mata niya ng maalala. "Tanging gamit na nakuha mula sa kaniya. Ngayon pagkaingatan mo, ijo"


Ramdam ko ang bigat sa dibdib nang sinabi ng Lola yon. Kahit katawan ay walang tinira ang mga kalaban, tanging naiwan ay ang pinagkaingatan na sing-sing. Nang mga araw na yon...


Halos manikip ang sarili kong dibdib alalahanin ang sandaling yon. Hindi ito alam ng lahat, tanging alam nila ay nakalimutan ng papa ang pinagkaingatan na sing-sing. 


Pero nang mga oras na yon, bago nangyari ang hindi makalimutang trahedya sa kasaysayan, durog na durog ang puso ng papa. Hindi dahil sa alam niya ang mangyayari, kundi dahil...sa nilalaman ng kaniyang imbestigasyon.


"This is not true! Investigate again!" Tanging sigaw niya ang naghahari sa silid.


May pagdududa ngunit nangingibabaw ang kirot roon. Nang maupos ng apoy ang sulat ay tiimbagang na hinawakan ng papa ang pinagkaingatan na sing-sing. 


"I don't believe you will dare, Nechanor..." Nabalot ng lamig ang boses niya, at sa pagpikit ay pumapatak ang malinaw at buong-buong luha. "Betraying me...means our mutual destruction"

Dead InheritanceStories to obsess over. Discover now