Ikadalawampu't lima na Panulat

2 0 0
                                        

WALO

Gusto ko lang marinig na ako pa rin. 
Gusto kong ikaw pa rin. 
Gustong-gusto kong may tayo pa rin. 
Na ako’t ikaw, tayo kung papalarin. 

Walong libong pagitan ng nakaraan, 
Walong numero, pilit linilimot sa anumang paraan. 
Umaasang ako’y pagbigyan, 
Kahit katiting na lalagyan. 

Siguro’y limot mo na 
Ang daloy ng aking gunita. 
Sinta, nandito pa rin ako, 
Dala-dala ang numerong walo. 

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: 4 days ago ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

POESÍAHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora