-

3 0 0
                                        

hi, ako si jez.

madalas akong sumulat kapag hindi ako mapakali.

kapag masyadong maingay ang isip ko para matulog, o kapag may mga damdaming hindi ko kayang sabihin nang direkta. kaya isinusulat ko na lang. minsan nagiging tula, minsan nagiging kwento, at minsan naman ay mga salitang hindi ko rin alam kung ano talaga.

nakakahanap ako ng inspirasyon sa maliliit na bagay. sa mga kantang paulit-ulit kong pinapakinggan, sa mga taong panandaliang dumadaan, sa mga lugar na hindi ko naman madalas puntahan, at sa mga araw na tila ordinaryo pero may kung anong bigat na hindi maipaliwanag.

karamihan sa mga mababasa rito ay naisulat sa mga oras na ako lang ang gising sa sarili kong mundo. mga gabing tahimik ang paligid pero magulo ang isip. mga sandaling wala akong ibang kausap kundi ang mga tanong na matagal nang naninirahan sa akin.

wala akong partikular na tema sa mga sinusulat ko. kung ano ang dumaan sa isip ko, kung ano ang tumama sa puso ko, at kung ano ang hindi ko kayang bitbitin nang mag-isa, iyon ang kadalasang napupunta rito.

siguro ito ang paraan ko ng pag-iingat ng mga bagay na ayokong makalimutan.

mga alaala. mga tao. mga pagod. mga pangarap. at mga damdaming minsan ko nang naramdaman sa isang partikular na oras ng buhay ko.

kung narito ka ngayon, salamat.

malaya kang magbasa.

baka sa pagitan ng mga salitang isinulat ko para sa sarili ko, may makita ka ring piraso ng sarili mo.

-

Kung Saan Napupunta ang mga IniisipNhững tác phẩm khiến độc giả say mê. Hãy khám phá bây giờ