CHAPTER 2

6.8K 320 32
                                    

MS. ALEXA POV


Nandito kami ngayon sa conference room kasama ang dating tatlong prinsesa na ngayon ay mga reyna na. Nagpatawag ng meeting si Reyna Lira dahil nabalitaan nilang nakabalik na si Akeesha. At kasalukuyan namin siyang hinihintay.

“Kailan pa siya bumalik?” tanong ni Reyna Lira.

“Kahapon po. Inireport ito sa amin nina Riya. At ngayon nga ang start ulit niya dito sa academy.” sagot naman ni Mr. Harold.

“Paano nangyari iyon? Kitang kita natin ang paglalaho niya noon. At pagkatapos nang anim na buwan ay nandito na ulit siya.” sabi naman ni Reyna Amihan.

“Sa pagkakaalam natin ay wala talagang pagkatao si Akeesha. Nabuhay lamang siya dahil siya ang naging pansamantalang tagapangalaga ng mga element natin.” sabi naman ni Reyna Tiara.

“Hindi kaya dahil sa element ni Princess Paira kaya siya muling nabuhay? Baka sa kanya napunta ang element nito.” suhestiyon naman ni Ms. Kira.

“May posibilidad iyon pero sa pagkakaalam namin, sa oras na mamatay si Paira ay kasabay niyang maglalaho ang element niya.” sagot naman ni Reyna Amihan.

“Sa ngayon, kailangan na muna siyang obserbahan. Ms. Alexa, hindi ba’t kaibigan siya ng mga bagong miyembro ng council?”

“Opo Reyna Lira.”

“Pabantayan mo sa kanila si Akeesha at ireport ang lahat nang mapansin nilang kakaiba sa kaniya.”

“Masusunod po.”

Naputol ang pag-uusap namin nang biglang may kumatok sa pintuan. Agad namang tumayo si Mr. Davis para pagbuksan ng pinto si Akeesha.
Inaasahan ko na magugulat siya dahil nandito ang tatlong reyna pero parang kami ang nagulat sa pagdating niya. Kung anong itsura niya noong unang araw niya rito sa academy ay ganoon din ang itsura na niya ngayon. Ibig bang sabihin nito ay hindi na apat ang element niya? Hindi na siya isang Legendary?

“Good afternoon po.” magalang na bati niya sa amin.

“Sit down please Akeesha.” sabi ko naman.

Naupo siya sa katabi kong upuan kaharap ang tatlong reyna. Weird. Wala akong naramdamang kahit anong enerhiya sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya at pirming nakatingin lang siya sa tatlong reyna.

“Akeesha, can you tell us what happened?” panimula ni Reyna Lira.

“Saan po?”

“Sayo hija. I mean, we know what happened to you. Bumalik na sa amin ang mga element namin na pinangalagaan mo. At nakita namin ang unti-unti mong paglalaho. I’m sorry Akeesha pero hindi namin ineexpect na makakabalik ka.”

Hindi ko alam kung maaawa ako o masasaktan sa sinabing iyon kay Akeesha. Siya ang nagligtas sa aming lahat noon pero ngayon ay kinukwestyon na ang pagbabalik niya.

“Sorry po pero hindi ko rin alam.” deretso niyang sabi sa amin.

“Hindi mo alam kung anong nangyari sa’yo sa loob ng anim na buwan?”

“Wala po akong maalala. Hindi ko alam na anim na buwan na pala akong wala. Ang huling naaalala ko ay ang ibinigay ko ang lahat ng element ko sa Elemental Tree. After noon ay nagising na lang ako na nasa dorm na ako. Akala ko nga noong magising ako ay kahapon lang nangyari ang digmaan.” mahabang paliwanag ni Akeesha.

Nagkatinginan kaming lahat. Sa loob nang anim na buwan ay wala siyang maalala at hindi niya alam kung paano siya nakabalik. Gusto kong maniwala sa kanya pero may part sa akin na may itinatago si Akeesha.

“Anong element ang mayroon ka ngayon Akeesha?” tanong ni Mr. Harold.

“Hindi ko pa po nasusubukan magpalabas ulit ng element kaya hindi ko po alam. Ganitong ganito po ang pakiramdam ko noong unang araw ko rito. Hindi ko alam kung paano palalabasin ang element ko.”

"Sige Akeesha, nandito ang council para tulungan ka katulad ng dati. Pwede kang humingi ng tulong sa mga kaibigan mo." sabi ko sa kaniya.

“Salamat po.”

“You can go back to your class Akeesha. Salamat.” nakangiting sabi ni Reyna Amihan.

Tahimik na lumabas ng conference room si Akeesha. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya.
“Wala kang naramdamang enerhiya mula sa kanya Ms. Alexa, tama ba?” tanong sa akin ni Reyna Tiara.

Marahan akong tumango. Ganito rin ang naramdaman ko noong unang makita ko si Akeesha. Wala rin akong naramdamang enerhiya sa kaniya noon. Parang naulit lang ang lahat katulad noong unang tapak niya rito sa Elemental World.

“Ibig bang sabihin ay wala siyang element? Isa siyang tao?” tanong ni Mr. Harold.

“No. Ganito rin ang nangyari noong una ko siyang nakita. Wala rin akong naramdamang enerhiya sa kaniya noon.” paliwanag ko naman.

“Pero kaya hindi mo maramdaman iyon noon ay dahil nakaseal ang element sa katawan niya. Don’t tell me nakaseal na naman ito?” sabi ni Mr. Davis.

Oo nga. Isa sa dahilan kung bakit hindi ako nakaramdam ng element sa kaniya ay dahil nakaseal pala ito. Kung ganoon na naman ang scenario, imposible nang may Elemental seal ulit siya.

“Huwag na muna nating ipressure ang ating mga sarili sa pagbabalik ni Akeesha. Alam kong in time ay magkakaroon din ng kasagutan ang ating mga katanungan. For now, ireport niyo na lang sa amin ang mga mapapansin niyong kakaiba sa kaniya.” sabi ni Reyna Amihan.

“Masusunod po.”, sagot naming apat.
Umalis na ang tatlong reyna at kami na lang ang naiwan dito sa conference room. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Mr. Davis.

“Back to zero na naman tayo kay Akeesha.” pagbasag niya sa katahimikan.

“Tayo? Hindi ka na council di’ba dahil ikaw na ang hari ng Fire kingdom.” pang-aasar na sabi ni Mr. Harold.

“Hindi ako isang hari. Naging in-charge lang ako doon pero miyembro pa rin ako ng council.” parang batang nagpapaliwanag na sabi niya.
Napatawa na lang ako sa sinabi niyang iyon. Ang totoo kasi ay gusto niyang tanggihan noon ang pamumuno sa Fire Kingdom. Wala lang siyang magawa dahil siya ang pinakamalakas sa lahat ng Fire Elementalist kaya katungkulan niyang pamunuan ito. Hindi rin siya makatanggi noon dahil mismong ang tatlong Reyna ang nagpasyang siya ang mamuno sa Fire Kingdom.

Pero kahit siya na ang namumuno doon, lagi pa rin namin siyang kasama rito at tumutulong pa rin siya sa pamamalakad ng academy. Mas naging busy lang talaga siya dahil nadagdagan ang mga responsibilidad niya.

“Sabagay, nagagawa mong pagsabayin ang pagiging council at pagiging hari.” pang-aasar naman ni Ms. Kira.

“Hindi nga kasi ako ang hari doon. Kung nabubuhay lang sana ang anak ko, siya siguro ang namumuno doon.” malungkot na sabi ni Mr. Davis.

Natahimik kaming lahat. Akala ko ay okay na siya sa pagkawala ng anak niya. Pero sino nga ba namang ama ang makakalimot sa kanyang anak? Ilang taon ang ipinagkait sa kanilang mag-ama at noong nalaman nilang mag-ama sila, saka naman sila pinaghiwalay.

“Sana bumalik din si Alvin katulad ni Akeesha.” mahina niyang sabi.

Nagkatinginan kaming tatlo. Malakas sa panlabas na anyo si Mr. Davis pero mahina rin ang loob niya. In the back of his heart, there is a father that is longing for his son.

“Pwede ka pa namang gumawa nang anak Mr. Davis.” biglang sabi ni Mr. Harold.

“Ano?” hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Davis.

“Balita ko kasi nagiging close na ulit kayo ni Reyna Lira.”

Isang batok ang bumagsak kay Mr. Harold na ikinatawa namin ni Ms. Kira.

“Aray naman. Hari ka ba talaga?” reklamo ni Mr. Harold.

“E ikaw, council ka ba talaga? Kung anong pinag-iisip mo diyan.” namumulang sabi ni Mr. Davis.

“Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata.” tatawa tawang sabi ni Ms. Kira.

Napailing na lang ako. Mabuti na lang at nandiyan si Mr. Harold para pagaanin ang loob ni Mr. Davis. Sana tuluyan na siyang maging okay para sa bagong buhay na naghihintay sa kaniya.

In Between Two Destiny - L.E book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon