Prologue

54 5 0
                                        

Bata pa lang ako, ramdam ko na agad yung pagmamahal na meron sa pamilya namin. Hindi man kami mayaman sa pera, pero sobra naman kami sa pagmamahal.

Nasaksihan ko kung paano magsakripisyo sina Mama at Papa araw-araw. Kahit pagod na pagod na sila sa trabaho, ginagawa pa rin nila ang lahat para maibigay sa'kin yung mga kailangan ko, lalo na pagdating sa pag aaral.

Simple lang buhay namin pero masaya.

Sixteen years old na ako ngayon at Grade 10 na this upcoming school year sa July 26. Habang wala pang pasukan, tumutulong ako sa gawaing bahay at kapag may free time ako, nag-aadvance study ako para hindi ako mahirapan pag start ng classes.

At dahil next week na nga ang opening ng classes, kakauwi lang nina Mama at Papa galing palengke binilhan na nila ako ng mga school supplies ko.

Agad ko silang sinalubong ng yakap.

"Thank youuu, Mama and Papa!" Nakangiti kong sabi.

Ngumiti si Mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"Basta para sa'yo, anak," Sagot niya bago hinalikan ang noo ko.

Napangiti na lang ako.

Pakiramdam ko noon, complete na lahat.

Hindi ko alam na ilang buwan lang ang lilipas, magbabago na pala ang buong buhay ko.

Nag-start na ang classes kaya naman sobrang kabado ako noong first day of school. Hindi ko alam kung anong klaseng section mapupuntahan ko o kung magkakaroon ba ako ng kaibigan.

Thankfully, habang tumatagal, naging close ko sina Avriella at Blessy. Pareho silang mabait, makulit, at matatalino kaya hindi naging boring yung school days ko.

Nang mag-recess time, sabay-sabay kaming pumunta sa canteen.

Pagkabili namin ng pagkain, bumalik agad kami sa classroom habang nagkukuwentuhan.

Pagkaupo namin, biglang nagsalita si Avriella habang nakasimangot.

"Hyst, nakakainis talaga yung lalaki kanina!"

Napatingin kami ni Blessy sa kaniya habang natatawa.

"Bakit naman?" Tanong ni Blessy.

Napabuntong-hininga si Avriella bago nagsalita.

"Tangina, inunahan niya ako sa pancake! Kukuha lang sana ako ng pera sa wallet ko tapos bigla niyang binili yung last piece!"

Napailing na lang ako habang natatawa.

"Hayaan mo na yun, Avriella," Sagot ko.

"Hindi! Nakakainis mukha niya!"

Mas lalo kaming natawa ni Blessy sa inis niya hanggang sa dumating na ang next subject namin, Science.

My most hated subject ever.

Pag Science na talaga, automatic inaantok na agad ako.

Natapos rin ang buong klase at nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko para umuwi. Walking distance lang naman yung school mula sa bahay namin kaya hindi ko na kailangang sumakay.

Pagkapasok ko sa bahay, agad kong nakita si Mama na nanonood ng TV sa sala.

Nang marinig niyang bumukas ang pinto, agad siyang napalingon sa'kin.

"Kamusta ang school, anak?" Nakangiti niyang tanong.

Nilapag ko muna yung bag ko at nagtanggal ng sapatos bago ako lumapit sa kaniya para magmano.

Until We Find Each Other Again Onde histórias criam vida. Descubra agora