Prologue

3 0 0
                                        


"Bes, patulong! Dalawa kalaban ko rito."

"Sandali lang, oh. Sa'yo dalawa, sakin lima. Ako kaya, tulungan mo rito," reklamo ng kaibigan ko.

Ilang oras ang lumipas.
"Ayon, panalo tayo!" masayang sabi ko dahil nanalo kami sa laro.
"Clutch tayo bes, nice one!" masayang sabi rin ng kaibigan ko at nag-apir pa sa akin.

"Oh pano, uwi na ako baka hinahanap na ako doon."
"Sige sige, hatid na kita sa labas," sabi ko sa kanya.

Nang nasa labas na kami:
"Oh pano, alis na ako."
"Sige, ingat ka ha."
"Ako pa? Sige, babush."
"Ito talaga, sige. Bye, ingat."

Pumasok na ako sa loob at napatingin sa cellphone ko kung anong oras na. Nagulat ako-10:00 PM na.
"Naku, 10:00 PM na pala. May pasok pa ako bukas. Inaantok na rin naman ako, eh di matulog na."

"Wait, before matulog, mag-pray muna syempre."

"Lord, thank you for today's blessings na binigay mo sa akin at sa family ko. Sana makapagtapos talaga ako ng pag-aaral para matulungan ko ang family ko at makuha ko rin ang mga gusto ko in the future. Gabayan mo kami sa mga pagsubok na darating. Thank you, Lord, sa lahat. The best ka talaga."

Napangiti ako bago bumuntong hininga, tsaka natulog.

Nagising ako kinaumagahan. Pero napaupo ako agad, nanlaki ang mata ko.
Iba ang kisame. Iba ang amoy ng kwarto.
Bakit pink ang kulay ng dingding? Hindi ko naman favorite 'yan, nakasusuka nga tingnan. Bakit may poster ng BINI? Hindi naman ako fan nila.

"Sandali...San ako? Hindi ko naman kwarto to ha." Napatingin-tingin ako sa paligid. Sa tabi ko, may binatang nakahiga habang nagse-cellphone. Sa kabila, may babaeng nasa 30s na naglilinis ng study table ko.

"Sino kayo?! Bakit ako nandito?!" pasigaw kong tanong.

Nagulat naman sila sa inasta ko.
"Baby girl, it's me, your mother."

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya.
"Mother?" nagtataka kong tanong.

"Yes, I'm your mother, and that's your kuya Kai. What's the problem, baby girl?" tanong ng babaeng nagsabi na mama ko raw, habang gulat at hindi makapaniwala sa inasta ko.

"Wala na akong nanay. May ibang pamilya na siya. At wala rin akong nakakatandang kuya dahil ako ang panganay," sabi ko sa kanila. Hindi naman sila makapaniwala.

"Baby girl-"
Hindi natapos ng babae ang sinabi niya nang mawalan ako ng malay.

To be continued...

In Another Dimension Donde viven las historias. Descúbrelo ahora