Chapter 1

8.6K 177 0
                                    

"Jilliana Rue! You should have called me you know?" Sabi ng kaibigang si Riahna.

"Tsk! Kung nagpasabi akong pupuntahan kita eh hindi na sorpresa 'yun noh? Oh, ito, dinalhan kita ng lunch." Sabay taas ang isang kamay para ilapit sa mga mata ni Riahna ang tinutukoy.

"Sus! Nag-abala ka pa eh, ikaw dapat ang kumakain ng marami." Dinama niya ang sinapupunan. Nang gabing mamatay si Lance, doon niya nalaman na isang buwang nagdadalang tao siya. Balak niyang tawagan si Lance pagkatapos ng misyon nito. Dalawang buwan din kasing nagbakasyon ito sa Pilipinas bago tinawagan sa isang misyon. Ngayon, hindi na niya masasabi ito sa kasintahan. Nag-iisa na siya sa mundo. Siya ma'y isa nang ulilang lubos at walang kamag-anak na mahihingan ng tulong. Si Riahna na lang ang natatakbuhan niya at nasasabihan ng mga problema.

"Tapos na knina pa. Pero parang mas marami 'yung nawala kesa sa nadigest ng tiyan ko." Reklamo niya.

"Ganun ka pa din ba hanggang ngayon?" Tumango ito para sa pagsang-ayon.

"Apat na buwan na siya, pero parang pakiramdam ko eh nasa unang buwan pa lang ako ng pagbubuntis." Biro nito sa kaibigan na ngayo'y nilalantakan na ang Big Mac with cheeze, french fries at Mcflurry nito. Paborito kasi nilang kainan ang McDonald's pero sa ngayon, ayaw niyang pumasok sa establishment ng kahit anong fast food chain dahil nasusuka siya sa mga amoy nila.

"Sarap grabe. Gusto mo?" Alok ng kaibigan sa kanya halatang nagbibiro ito. Ngumiwi siya at natatawa namang inilayo ng huli ang pagkain. "Pasensiya na baby, masyadong sensitibo pa ang nanay mo eh. Friend, kailangan mong piliting kumain dahil ang payat payat mo na. Sigurado ka bang nagpa-check up ka na?" Tanong nito sa kanya. Ngumiwi ito sa pag-aalala na nakalimutan niyang mag set ng appointment sa kanyang OB.

"Tsk! Jilliana Rue!?? Ano ka ba? I told you last week that you should check up with your OB. Naku-"

"Okey, okey... Nakalimutan ko lang. Grabe naman 'to oh."

"Nakalimutan?? Eh 'yan din ang sinabi mo noon eh. 'Sus, ilang beses ka na bang nagpa check-up ha? Two times pa lang." Pinandilatan siya ni Riahna, lalo naman siyang napangiwi.

"Really, Ri. Para ka talagang nanay ko." Biro nito sa kanya, pero lalo siyang pinandilatan nito.

"Ako na lang ang tatawag kay Dra. Areola at nang hindi ka magkaroon ng excuse. Haaayy naku ka talaga oo! Pasalamat ka buntis ka ha, at pasalamat ka mahal na mahal ko 'yang inaanak ko kahit 'di pa nailalabas." Kinuha na nito ang telepono sa kanyang bag at nagsimulang idayal ang numero ng kaibigang doktora nito.

"Alam mo, nagpapasalamat talaga ako na andiriyan ka parati. You're like my sister that I never had, at ang pamilya mo ang naging pamilya ko." Sabi nito.

"Tse! Tumigil ka nga sa kadramahan mo ha. Huwag mong ibahin ang usapan." Sabi nito sa kanya.

"Nakausap ko na ang secretary ni Dra. Areola. Walang naka-sched na pasyente ngayong hapon so pina-sched na kita, after mo dito, go ka na kay doktora okey??" Pinandilatan niya ito nang magsimula siyang tumanggi.

"Sabi ko nga pupunta ako eh." Natatawang sinabi nito sa kaibigan.

"Rue, it's about time that you move on. You have your baby to think about now. Sa tingin mo, anong sasabihin ni Lance kapag ganyan ang ginagawa mo? Do you think he'll be happy?"

"I wouldn't know that would I, Ri?" Sabi niya na may lungkot ang mga mata.

"Hey, hindi ko sinabi ito para malungkot ka. Ang akin lang..."

"Okey, okey councelor..." Sabi nitong nagbibiro na at pareho pa silang natawa.

"Grabe ka talaga. Anyway, you have to go, dahil may appointment ka pa sa doktor, remember?"

"O, siya. Malapit lang naman dito 'yun sa university so might as well go bago ko makalimutan nanaman." Natatawang binato ni Riahna ng tissue ang papaalis na kaibigan.

"See you later alligator." Sabi niya sa kaibigan.

"In a while crocodile." Sagot naman ng huli.

Habang naglalakad papuntang clinic hindi niya maiwasang maglakbay ang diwa. Inisip niya kung nabubuhay pa kaya si Lance ay magiging caring ito sa kalagayan niya? Hinimas niya ang sinapupunan at naalala niya ang kaibigan ni Lance na si Calvin. Naningkit ang kanyang mga mata sa naalala. Pagkatapos ng libing ni Lance sa Amerika, nagpunta ito nang Pilipinas para lang ipaabot sa kanya ang balita. Walang kaemo-emosyong sinabi nitong huwag na siyang maghintay sa taong hindi na babalik magpakailan man. Their discussion went sour at nasampal niya ito sa tinuran niya bandang huli na pwede na siyang maghanap ng kapalit sa kaibigan. Parang ang daling gawin lang nito para sa lalaki, ang akala siguro niya ay ang aportunidad lang na kayang ibigay ni Lance ang ginusto nito dito. Tatlong buwan na iyong nakalipas. She stood quietly for a moment, dahil biglang nangasim ang sikmura niya at parang nahihilo siya. Huminga siya nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad, pero nahihilo pa rin siya at gustong maduwal. Umupo siya sa may bench na unang nakita niya. Saglit niyang ipinikit ang mga mata at kinapa ang bag para kunin doon ang kendi na itinatago niya para lang sa ganitong insidente. Bahagya pa siyang nagulat nang may tumikhim sa kaniyang harapan. Alam niyang may tao roon pero hindi pa rin siya nagmumulat ng mga mata. Sinimulan niyang balatan ang kendi at saka isinubo iyon not knowing na pinagmamasdan siya nang lalaking nasa harapan nito at tila nangigigil sa galit ang mga matang ipinukol sa kanya.

"Pasesiya na ha? Pwede ka naman umupo sa tabi kung gusto mo, medyo masama lang ang pakiramdam ko pero, okey na ako mayamaya." Sabi nito.

"So, ilang taon mo nang niloloko ang kaibigan ko?" Sagot nang kausap.

Bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib nang mabosesan ang kausap. Pilit itinatanggi nang isipan niya ang pagkakataon na ito. Unti-unti niyang iminulat ang isang mata para silipin kung ito nga ang kilala niya.

"Ilang buwan na ang dinadala mo at alam ba ni Lance ang mga pinaggagawa mong malandi ka?" Mapasensoryang sabi nito.

Hindi nga siya nagkakamali, kilalang kilala niya ang kausap. Ang kaibigang suplado't antipatiko ni Lance. Isinara ulit niya ang mata dahil nahihilo pa rin siya, idagdag pa ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

"Ooooh!" Ungol niya.

"Lady, don't play me for a fool. Hindi uubra sa 'kin 'yan."

"Cal...." Di na niya natapos ang sasabihin, bigla itong dumukwang at nagsuka sa harap mismo ni Calvin na nabigla sa ginawa niya.

Christmas BasketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon