Simula

83 3 0
                                        

Inabot sa akin ng mayordoma ang panyo. Pinunasan ko ang aking mga luha. Nilingon ko si mommy na kinukumbinsi ang lawyer ni daddy, si Tito Levi na gawan ng paraan para hindi mawala sa amin ang mga properties na iniwan ni daddy. Lalo't nalaman namin na marami pala itong pinagkaka-utangan.

"Do something! Hindi p'wede ito! Bakit hindi namin alam ito?" Hagulgol ni mommy.

Lumapit ako kay mommy hinagod ko ang likuran niya at bahagya itong pinakalma.

"Mrs. Diaz, matagal nang tabingi ang kompanya. Ilang beses ko na itong sinabi ito sa kaniya noong buhay pa siya, pero itinaya niya sa casino at ito ang naging bunga," Hinilot ni Tito Levi ang sentido niya.

Halos nanghihinang napaupo si mommy. Kaagad namang umantabay ang mga kasambahay namin upang alalayan si siya.

Sumenyas ako sa mga kasambahay na dalhin muna si mommy sa kwarto nito. Hanggang sa kami na lang ni Tito Levi ang naiwan.

"Tito wala na po bang ibang paraan?" Halos pumiyok ako sa huling salita.

Buntong hininga ang tanging naging imik nito.

Ilang segundo siyang natahimik. Mayat-maya pa'y muling nagpakawala ng buntong-hininga.

"May mga paraan pa naman hija. Your mother already told me. But -" Natigilan siya saglit.

"Ano po? Baka makatulong po ako?" Malumanay 'kong tanong.

Umiling siya.

" Your mother believes in arranged marriage and also your dad. Matagal na rin nasabi ng daddy mo noong buhay pa siya. Mukhang ito na din ang tanging paraan niyo para maisalba ang lahat,"

Kumunot ang aking noo.

"What do you mean, Tito Levi? Are you telling me na may balak ang magulang ko noon pa na-" Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil nakaramdam na ako ng matinding kaba at takot.

Umiling ako.

"No!"

Ayoko!

Ngunit paano? Ang mga properties namin, ang kompanya! Nanlalamig ang katawan ko.

Hating gabi na ngunit nandito pa rin ako sa veranda. Hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko dahil sa patung-patong na problema.

"Hija?" Halos humiwalay ang aking kaluluwa sa katawan nang marinig ang boses ni mommy mula sa aking likuran.

"Mommy?"

"It's late. Bakit gising ka pa?" Tumabi siya sa akin at inabot ang isang baso. Tinignan ko iyon.

"Milk?"

Tahimik ko iyong tinanggap.

"I hate your dad, but I still love him," Natigilan ako at tinignan si mommy.

"Noong nalaman ko na inubos niya halos lahat ng pera natin sa casino, iniisip ko na makasarili siya. Pero tinanggap ko dahil mahal ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya noon? I don't know? Hindi ko din alam na mag-isa niya nang nilalabanan ang mga problema na ito, Heliana. Pero maniwala ka mahal ko at Dad mo." Humikbi si mommy.

Nanghihina niyang hinawakan ang mga palad ko. Mahina ang puso ni mommy. Hindi makakabuti na ganito ang sitwasyon namin.

"I don't want to sacrifice everything not even my own daughter. But you're the one who can save everything,"

Pinikit ni mommy ang mga mata niya.

Nanghihina akong ngumiti kay mommy. Ayokong ipakita na wala akong magagawa para dito.

Beneath a Sky of Spinning Light Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon