Batang Ina: Mga Ibong Layaw at Balisa (05/09/26)

11 2 0
                                        

Tulad ng mga ibon
nais na maging malaya.
Lumipad, ikutin at magpakatayog sa kaulapan.
Sumama sa mga kaibigan, sumayaw sa discohan,
Uminom ng beer at vodka at 'wag nang pumasok sa eskwela.

Tulad ng mga ibon,
nang malamang makakapaglipad na,
Iniwan ang bahay nila, sa mga magulang ay ni hindi nakapagsabi ng "huyy! Ako'y aalis na."
At masayang lumisan ng walang paalam,
upang magligalig,
lumakbay sa bawat sulok ng daigdig
at hanapin ang sinasabing pag-ibig.

Tulad ng mga ibon,
nais na maging isa sa mga kumpol
At ayaw ng walang kasama.
Kung kaya't katorse anyos pa lamang
Ay may kasintahan na.
Nangangako pang habambuhay silang magsasama.

Bumuo ng masasayang ala-ala,
Ikutin ang mundo ng magkasama,
Magpakasal sa engrandeng simbahan
Ng may napakalaking handaan
At magsimulang magkapamilya.
Mga layon at pantasya na di pinagkaabalahang alamin ang bawat konsekwensya.

At tulad ng mga ibon,
mga pakpak ay naitali sa sariling katawan.
Nang minsa'y nahuli at saka napaglaruan.
Walang magawa kundi ang tahimik na mangisay,
Maglikot, at piliting makawala
sa salaring nagnakaw,
Sumira at lumapastangang tumangay
Ng buong pagkatao, dignidad at kalayaan niya.

Pinilit, tinakot, pinagbantaan
At walang kamuwang-muwang na ginawan.
Alin man dyan ay siyang humigpit
sa taling nagwasak sa pugad ng kanyang mga pangarap.

At tulad ng mga ibon,
Ngayo'y naghihirap na abutin ang pinakamatayog na ulap.
Nagtiis sa gitna ng tagtuyo,
Nanginig sa bawat buhos ng ulan,
natatangay sa bawat dagsa ng baha.
Mga batang ina, ngayon ay lumuluha.

Sa bawat pag-iyak ng sanggol
Ay siyang kasabay ng kanilang paghagulgol.
Tila ba'y sangang naputol
Na siyang nagwakas sa pugad nilang buhol.

Isa man sila sa mga nauna, ikalawa o panghuli.
Isa lamang ang masasabi,
Sila'y tulad ng mga ibon.
Mga ibong maya at kalapati.
Padalos-dalos na lumipad, umikot at nais damhin ang lambot ng kaulapan.

Sa tagpung nais maabot ay bumangga at nahulog.
May nasa ilalim ng karagatan at nalulunod.
May bumagsak sa matigas na batuhan,
At may naligaw sa kawan ng mga askal.
Inusig, at ayaw ng maging kasapi ng lipunan.
Binato, at sa sariling puno'ng pinagpugaran
ay ipinagtabuyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KATAGA (Mga Tula)Stories to obsess over. Discover now