THIRD PERSONS'
Masayang naglalakad ang dalaga papasok sa restaurant na napag-usapan nila ng kanyang kasintahan para i-celebrate ang ika-apat na taon ng kanilang pagsasama.
Sa apat na taon na yun, hindi man lang nakaisip ang kanyang kasintahan na magplano ng tungkol sa kasal.
Na tila ba hindi sya nakikita ng kasintahan bilang babaeng kanyang pakakasalan.
Inilibot niya ang paningin sa loob ng restaurant, ngunit hindi nya nakita doon ang kasintahan.
Minabuti niyang magpaserve muna ng table para sa kanilang dalawa.
Panay ang tingin niya sa cellphone kung may message naba ito sa kanya.
Nang halos siya nalang ang natira sa loob ay lumabas na siya, at di na umasa pang sisiputin sa mismong birthday at 4th anniversary nila.
Nang makalabas siya ay napadako ang paningin niya sa katapat ng restaurant na pinasukan niya kanina.
Nakita niya ang kanyang kasintahan masayang kausap ang isang babaeng pamilyar, ang mismong kapatid niya...
Nang makalipas ang ilang minuto ay hinalikan ng kapatid niya ang kanyang kasintahan.
Kasabay ng pag-ihip ng hangin, mabilis siyang tumatakbo sa ilalim ng malakas na ulan, umiiyak.
Nang makarating sa malaking orasan na matatagpuan sa Rizal Park, kung saan nakatayo ang rebulto ng pambansang bayani. Ni hindi niya alam kung paano sya nakapunta do'n
Tumingin sya sa orasan tumutok na ang maliit na kamay nito sa XII.
Nagsimula syang bumigkas ng mga kataga, habang patuloy na tumutulo ang luha, "Sa birthday kopa talaga mahal?" bulaslas nito habang inaalala ang pagtataksil ng kanyang kasintahan sa mismong kaarawan at 4th anniversary nila.
"Happy anniversary, mahal" Sa pagbigkas nya ng mga katagang iyon nagsimulang dumilim ang palaigid para sa kanya...
...
Ang akdang ito ay kathang-isip lamang. Lahat ng ngalan, tauhan, pook, at pangyayari ay bunga ng malikhaing guniguni ng may-akda, o ginamit sa di-tunay na paraan. Anumang pagkakahawig sa tunay na tao, nabubuhay man o yumao na, at sa mga naganap sa kasaysayan ay nagkataon lamang. Paunawa: May ilang tagpo at detalye sa salaysay na hindi nasusulat o naitala sa opisyal na kasaysayan ng Pilipinas.
Plagiarism is a federal offense and constitutes intellectual property theft.
All Rights Reserved
©kelansay
ESTÁS LEYENDO
I'll Be Back My Ginoo
Ficción históricaSi Luisa Catalinne Concia ay mula sa hinaharap, na niloko ng kanyang nobyo at nakakatandang kapatid. Sa di inaasahang pagkakataon, ay nagising siya sa di kilalang lugar, at napagkamalan na si Luisa Catalina Consuelo, isang Indio. At ang mas malala...
