Maulan na gabi at masamang panahon ang sinalubong ni Owi habang siya ay nagmamaneho.
Dinadama ang bawat sakit at pighati na kanyang nararamdaman sa mga oras na ito.
" Why ! Why Babe! Bakit mo ako kailangang iwan! Bakit ?!" Sigaw ni Owi habang patuloy lang siya sa kanyang pagmamaneho.
Pagiwang-giwang na ang sasakyang minamaneho ni Owi at halos hindi na niya masundan ang tamang linya sa kanyang dinadaanan. Dala na din ng kalasingan kaya naman nawawala na ito sa kanyang katinuan.
" Hindi ko kaya Yash! Please come back to me!" Sambit ni Owi sa kanyang sarili habang ito ay nakayuko sa manubela.
At sa kanyang pag-angat ng kanyang ulo ay siya naman ang pagsalubong sa kanya ng isang Truck.
Dahil sa lakas ng ulan ay hindi na din narinig ni Owi ang pagbusina ng kasalabong nito. Naiwasan ni Owi ang kasalubong na Truck ngunit hindi niya napansin ang malaking poste kaya naman tuluyan siyang sumalpok dito.
Walang naririnig si Owi sa mga oras na iyon. Hilo at malabo ang kanyang paningin at tanging liwanag ng ilaw ng poste na lang ang kanyang naaninag bago siya tuluyang mawalan ng malay.
Mabilis naman ang responde ng mga taong nakakita sa pangyayari ng aksidente at nakarating din nakarating din ito sa kanyang Pamilya at mga malalapit na kaibigan.
YOU ARE READING
" Among the Thousands of Stars "
RomanceNaniniwala ka ba na sa Walong-Bilyong tao dito sa Mundo ay may isang taong para sa'yo? Yung taong kahit hindi mo hilingin ay kusa na lang itong darating. Tulad na lang sa buhay nina Owi At Macky. Si Oliver William "Owi" Celestial isang binatang masa...
