Eloira Mencedes
Ipinanganak noong Setyembre 30, 2000
Isang 17-anyos na dalagang kilala sa taglay na ganda at kabaitan. Mahilig siya sa mga libro at labis na interesado sa kasaysayan. Hindi niya akalaing ang pagmamahal niya sa nakaraan ang magdadala sa kanya pabalik sa taong 1942, mula sa kanyang mundong kinalakihan noong 2017.
Edward Jornales
Ipinanganak noong Setyembre 30, 1923
Isang 19-anyos na binata mula sa taong 1942. Matipuno, may lahing banyaga o mestiso, at kilala bilang isang tunay na maginoo. Siya ang nakatuklas at tumulong kay Eloira. Sa kasalukuyang panahon (2017), siya ay nasa edad 94.
Violeta Serñio
Ipinanganak noong Hulyo 4, 1924
Ka-edaran ni Edward na may edad 18. Maganda rin ang itsura ngunit likas na mapagpanggap at tuso. Kababata niya si Edward at matagal na itong gusto, kaya’t magiging hadlang siya sa pagtatagpo nina Eloira at Edward.
Don Sebastian Montecillo
Ipinanganak noong Enero 12, 1923
Ang nag-iisang tagapagmana ng mayamang angkan ng mga Montecillo. Siya ay 19 anyos sa kasalukuyan at kilala bilang isa sa pinakamakapangyarihan at mayayaman sa buong probinsya noong taong 1942. Siya ay isang negosyante at may-ari ng malalawak na lupain. Kilala sa pagiging makisig, matikas, at sanay makuha ang lahat ng kanyang ninanais. Mula pagkabata, ay sanay siya sa marangyang buhay at puno ng determinasyon na makuha ang babaeng pumukaw sa kanyang atensyon.
SIDE CHARACTERS
Elmo Mencedes
Ipinanganak noong Agosto 18, 1968
Ang mapagmahal na ama ni Eloira na nasa edad 41 sa kasalukuyan. Siya ay isang reporter at kilala sa pagiging makisig at matalino. Noong siya ay 17 anyos pa lamang (taong 1985), ay puno na rin siya ng pangarap para sa kanyang pamilya.
Ginoong Ariston Serñio
Ama ni Violeta
Kaibigan at kasosyo ni Don Felipe. Gusto niyang mapag-isang dibdib ang anak niyang si Violeta kay Edward para lalong tumibay ang samahan ng dalawang pamilya at negosyo.
Tiya Ising
Katulong sa bahay ni Edward
Isang matanda na pero masipag at masayahin. Siya ang nagturo kay Eloira kung paano mamuhay sa nakaraan—pagluluto, paglalaba, at mga gawaing bahay. Siya rin ang madalas na kakampi ni Eloira
ESTÁS LEYENDO
Found In Year 1942
Ficción históricaShe belonged to the year 2017, a woman who loved to look back and wonder about the days gone by. But she never imagined that her fascination with history would pull her right into it, landing her suddenly and unexpectedly in the year 1942. In a time...
