ANG MGA MATA SA LIKOD

6 0 0
                                        

Chapter 2: ANG MGA MATA SA LIKOD

Pagkapasok ko sa classroom na nakatalaga sa akin, ramdam ko agad ang kaba. Lahat sila ay may kanya-kanyang grupo, nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Ako naman, nakatayo lang sa may pinto habang mahigpit ang hawak sa strap ng bag ko.

Hinga malalim, Zarina. Kaya mo 'to.

Dahan-dahan akong pumasok. Agad na napalingon ang ilang estudyante sa akin. Iba't ibang klase ng tingin-may curious, may tila nagsasabi ng kung ano sa katabi nila, at may mga ngiting nakakapanibago.

"Good morning class!" bati ng aming adviser na si Ma'am Cruz. Agad namang tumahimik ang buong room. "May bago tayong kaklase. Halika rito, iha."

Tinawag niya ako kaya lumapit ako sa harap. Ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa dami ng nakatingin.

"Introduce yourself," malambing na sabi ni Ma'am.

Tumango ako at humarap sa kanila. "Uhm... Hi everyone. Ako nga pala si Zarina Salvatore . Dito na ako titira ulit at dito na mag-aaral. Nice to meet you all." Ngumiti ako nang tipid.

"Okay, Zarina salvatore. You can take that vacant seat sa dulo, malapit sa bintana," turo ni Ma'am.

Naglakad ako papunta sa upuan ko. Habang naglalakad, napansin ko na may isang upuan na katabi ko lang na bakante rin. Umupo na ako at inayos ang gamit ko. Sinubukan kong mag-focus sa harap pero hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kanina.

Zeke Montes... Ano bang problema ng lalaking 'yon? Ang yabang!

Habang nagtuturo si Ma'am, biglang bumukas ang pinto. Lahat kami ay napalingon.

"Good morning, Ma'am. Sorry I am late," boses na pamilyar.

Pumasok siya. Siya nga. Si Zeke. Nakaayos ang uniform, buhok na medyo magulo pero astig tignan, at may dalang libro. Pero ang pinaka-napansin ko, yung aura niya. Parang siya ang may-ari ng buong mundo.

"Zeke, late ka na naman? Buti na lang top student ka, kung hindi..." umiiling na lang si Ma'am. "Sige, umupo ka na."

Lumakad siya papunta sa likod. At doon... doon nanlaki ang mga mata ko.

Umupo siya sa bakanteng upuan KATABI KO!

Nanliit ang mga mata ko nang tumingin siya sa akin. Tumingin lang siya sagot, walang emosyon, tapos inilabas agad ang notebook niya at nagsimulang makinig. Parang wala lang ako sa paningin niya.

Hays! Bakit siya pa ang katabi ko?! Ang malas ko talaga!

RECESSTIME

Tumunog na ang bell. Sa wakas, break time na! Gusto ko nang lumabas para makahinga at makaiwas saglit sa presensya ni Zeke.

Tumayo ako agad pero naharang siya sa daan ko.

"Excuse me," malamig kong sabi.

Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa ulit. "Hindi ka ba marunong mag-'Excuse me' nang maayos? At saka, bagal mong kumilos."

"Eh ikaw nga eh! Harang ka oh!" Sigaw ko. "At saka anong pakielam mo kung paano ako kumilos? Class President ka ba ng buhay ko?"

Tumaas ang kilay niya. "Hindi. Pero nasa loob ka pa rin ng classroom, at hangga't nandito ka, bawal maingay at bawal maging bastos."

"Ako pa ang bastos? Ikaw tong nangunguna!"

Dahil ayaw ko nang makipag-away lalo, dumaan na lang ako sa pagitan ng upuan namin at dumeretso palabas. Nakakainis talaga!

Lumabas ako ng building at naglakad-lakad sa garden. Gusto ko lang mapag-isa saglit. Umupo ako sa isang bench at inilabas ang baon ko. Habang kumakain, napatingin ako sa malayo.

FOREVER USStories to obsess over. Discover now