PROLOGUE
Minsan, akala natin alam na natin kung paano tatakbo ang buhay natin. Akala natin, yung mga taong naging parte ng pagkabata natin ay mananatili lang doon—sa alaala, sa mga lumang litrato, at sa kwentuhan. Pero paano kung ang taong akala mo ay nakalimutan mo na, ay pala ay hinihintay ka lang pala sa lugar kung saan kayo unang nagkakilala?
Paano kung ang pagmamahal na akala mo ay pagkakaibigan lang, ay mas matanda pa sa panahon?
Chapter 1: ANG PAGBABALIK
"Ma, sure na po ba talaga dito tayo titira ulit?" tanong ko habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang papalapit kami sa lugar na tinaguriang 'Home Sweet Home' noon. Ang bayan na puno ng masasayang alaala noong bata pa ako. Ang bayan kung saan ko nakilala ang una at huling taong tinuring kong tunay na kaibigan.
"Oo naman, anak. Dito na tayo mag-uumpisa ulit. Namimiss ko na rin ang tahimik na buhay dito kaysa sa maingay na siyudad," sagot ni Mama habang nakangiti.
Tumango na lang ako at muling tumingin sa labas. Ang mga puno, ang mga lumang bahay, at ang simoy ng hangin—walang pinagbago. Parang kahapon lang noong umalis kami dito. Parang kahapon lang noong huling nagkita kami... ni Liam.
Liam...
Ang pangalan na hindi ko maalis-isip. Siya yung batang laging kalaro ko, laging kakampi, at laging kasama sa lahat ng kalokohan. Noong umalis kami, nangako siya na maghihintay daw siya. Pero ilang taon na ang lumipas. Siguro ay may sarili na siyang buhay ngayon. Siguro ay nakalimutan na niya ako.
Pagkarating namin sa bahay, abala agad sila Mama at Papa sa pag-aayos ng mga gamit. Ako naman, hindi mapakali. Bukas na ang pasok ko sa paaralan dito. Sa dati kong pinapasukan noon. Kinakabahan ako, excited, at may halong kaba. Paano kung may makilala akong mga bagong tao? Paano kung hindi ako tanggapin?
KINABUKASAN
"Good luck sa first day mo, anak!" bati ni Papa bago ako pumasok sa gate ng paaralan.
"Salamat, Pa!"
Nakasuot ako ng bagong uniform, maayos ang buhok, at hawak-hawak ko ang bag ko nang mahigpit. Maraming estudyante ang naglalakihan, nagtatawanan, at nagkukumustahan. Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin—dahil bago ako, o dahil baka may nakakakilala pa sa akin?
Habang naglalakad ako papunta sa hallway kung saan nakalagay ang listahan ng mga section, biglang may narinig akong malakas na sigaw.
"HEY! ANO BA NAMAN YAN?! SINABI KO NA NAMAN SA INYO NA DAPAT LINISIN ANG BUONG ROOM BAGO KAYO UMUWI! BAKIT ANG DADAMI PA RING KALAT DITO?!"
Napahinto ako sa paglakad. Ang boses na iyon... matigas, seryoso, at tila galit sa lahat.
Dahan-dahan akong sumilip sa pinto ng classroom na malapit sa akin. Doon, nakita ko siya. Isang lalaki, matangkad, maputi, at sobrang tangos ng ilong. Naka-uniform din siya pero para siyang may sariling mundo. Nakakunot ang noo habang nakatingin sa mga kaklase niya na parang mga natotorpe na daga.
"Class President yata 'yan," bulong ng katabi ko.
"Oo nga, si Zeke 'yan. Si Zeke Montes. Top 1 sa buong batch, sobrang talino, pero sobrang higpit at sungit din daw. Walang nakakalusot sa kanya."
Nanliit ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. Sungit? Grabe naman yung aura niya parang hari ng mga suplado.
Biglang lumingon si Zeke sa direksyon ko. Nagkatitigan kami. Yung mga mata niya— malamig at walang emosyon. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri kung may mali sa itsura ko.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" tanong niya nang walang pag-aalinlangan. Matalim ang boses.
Nagulat ako sa tanong niya. "W-wala! Dumadaan lang!" sagot ko at medyo tinaasan ko na rin ang boses ko. Hindi ako papatalo sa kanya. "At saka, hindi mo naman pag-aari ang hallway para bawal akong tumingin no?"
Nagkibit-balikat lang siya at bumalik ang tingin sa mga kaklase niya. "Just make sure you're not blocking the way. And fix your uniform, you look messy."
Napa kunot ang noo ko at sabay sabing. Grabe! Ang yabang! Maganda naman uniform ko ah! Ang kapal ng mukha!
"Ang sungit mo naman! Sino ka ba para humusga ng itsura ng iba? Akala mo kung sino kang perpekto!" Sabi ko sa kanya habang naka taas at Isang kilay ko.
Tumigil siya sa pagsasalita at muling humarap sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit. Dahil matangkad siya, kinailangan kong tumingala para matingnan siya sa mata. Ramdam ko ang bigat ng presensya niya.
"I'm Zeke Montes. The Class President. And as long as you are in this campus, you follow rules. And if you have a problem with that... then you have a problem with me."
Tinitigan ko siya sa mata. "Well, Mr. President, good luck sa'yo kasi hindi ako yung tipo ng tao na basta-basta na lang susunod sa mga gusto mo lalo na kung masama ang ugali mo sa mga kaklase mo!"
Tumalikod ako at mabilis na naglakad palayo. Ramdam na ramdam ko ang init ng mukha ko sa inis. Bwisit na lalaki 'yon! First day ko pa lang, bad trip na agad!
Habang naglalakad ako palayo, hindi ko namalayan na may nakasunod palang tingin sa akin. Hindi lang mula kay Zeke. kundi mula sa isang taong nakatago sa likod ng halaman sa gilid ng hallway.
Siya si Liam.
Nakita niya ang lahat. Nakita niya kung paano ako magalit, kung paano ako umasim ang mukha, at kung paano ako maglakad nang padabog. At sa kabila ng lahat, napangiti siya.
"She's back..." bulong ni Liam sa sarili. Nanunubig ang mga mata niya. "Ikaw pa rin talaga yan, Zarina Salvatore. Wala kang pinagbago."
Matagal na panahon. Ilang taon siyang naghintay. Ilang taon niyang itinago ang nararamdaman. Akala niya ay hindi na sila magkikita pa, pero heto ako, bumalik. At ngayong nandito na ako, hinding-hindi na niya ako hahayaang umalis ulit.
Pero hindi niya alam na may hadlang na pala siya sa balikat. At ang hadlang na iyon ay ang lalaking kakabanggaan ko lang—ang masungit at matalinong si Zeke
Pumasok na ako sa sarili kong classroom. Nang makita ko ang upuan sa likod, doon ako umupo. Nakahinga ako nang malalim.
"Bahala ka diyan Zeke! Hinding-hindi kita magugustuhan! Nakakainis ka!" bulong ko sa sarili ko habang nakakunot ang noo.
Pero paano kung sa bawat araw na lumipas, ang taong kinaiinisan mo ay siya ring taong magpapatibok ng puso mo? At paano kung ang taong kilala mo mula pagkabata, na laging nandiyan para sa'yo, ay may tinatago palang pagtingin na higit pa sa pagkakaibigan?
Sa kwentong ito, sino ang pipiliin mo?
Ang kaibigang kilala mo mula sa simula...
O ang kaaway na biglang naging bahagi ng mundo mo?
TO BE CONTINUED...
YOU ARE READING
FOREVER US
Romancethis story is about a girl that has a childhood friend at her old home town and her old friend still has feeling for her but she doesn't know it and when she transfer again to her old home town she met a boy at the hallway of her new school and at f...
