Prologue

1 0 0
                                        

Title: Godfall Chronicles 

Prologue

Noon, bago pa man isinulat ng kasaysayan ang kasinungalingan, ang mundo ay hindi pinamumunuan ng takot, kundi ng dugo ng mga diyos.

Sila ang tinawag na Divinari, mga nilalang na pinaniniwalaang may dugo ng Bathala na dumadaloy sa kanilang mga ugat. 

Hindi sila simpleng tao. Ang bawat galaw nila ay parang utos ng langit, ang bawat kapangyarihan ay tila biyaya… o sumpa, depende sa tumitingin.

Sa ilalim ng kanilang pamumuno, ang mundo ay may balanse. 

May kaayusan.

May liwanag.

At ang mga mortal? Sila’y namuhay sa lilim ng proteksyon ng mga hari at reyna ng Divinari, mga pinunong hindi lang makapangyarihan, kundi makatarungan.

Ngunit ang liwanag… ay laging may kaakibat na inggit.

Unti-unti, ang paghanga ng mga mortal ay naging pagnanasa.

Ang paggalang ay naging galit.

At ang tiwala… ay naging lason.

Hanggang sa isang gabi, isang gabi na walang bituin, ang mundo ay nagbago.

Ang mga taong tinuring nilang kakampi…ang mismong nagbukas ng pintuan ng kanilang pagbagsak.

Sa isang planong binalot ng kasinungalingan at takot, ang mga Divinari Royals ay pinagtaksilan. 

Ang kanilang mga trono ay sinunog, ang kanilang pangalan ay nilapastangan, at ang kanilang dugo… ay tinawag na kasalanan.

Mula sa pagiging banal, sila ay ginawang halimaw.

Tinawag silang Maledictus.

Isang pangalang may bahid ng sumpa at galit.

Isang paalala ng kanilang pagbagsak.

Ngayon, ang mundo ay pinamumunuan ng mga mortal, isang gobyernong itinayo sa takot, at pinatatag ng kasinungalingan. 

Itinuro sa bawat bata, sa bawat henerasyon:

“Ang mga may dugong iyon ay mapanganib.”

“Sila ang dahilan ng kaguluhan.”

“Sila ang dapat lipulin.”

Ngunit sa likod ng bawat kwento na kanilang pinaniwalaan…

may katotohanang matagal nang ibinaon.

Sila ba talaga ang panganib?

O ang mga namumuno ngayon…ay takot lamang na bumalik ang mga tunay na hari?

Dahil ang dugo ng Divinari, kahit tinawag mang sumpa, ay hindi kailanman tuluyang nawawala.

At kapag ito’y muling nagising…

hindi lang kapangyarihan ang babalik,

kundi ang alaala ng isang mundong minsang ninakaw.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 01 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

GodFall Chronicles Onde histórias criam vida. Descubra agora