Prologue

168 6 2
                                        

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

The camera captured the moment before either of them realized it would matter.

The tower stood tall, its shadow stretched across the pavement as the late afternoon sun slowly faded. Students passed by while laughter echoed in the distance. Some were busy talking with their friends, while others rushed to their next class.

Isang simpleng araw. Isang simpleng sandali. Pero hindi namin alam na iyon pala ang magiging simula ng isang kwentong hindi namin inaasahan.

"I will introduce today your partner for your upcoming movie."

Tahimik ang buong kwarto habang nagsasalita ang director namin. Abala ang mga staff sa paghahanda para sa first day ng shooting. Nakaupo lang Ako sa isang sulok, pinipilit pakalmahin ang kaba na nararamdaman ko.

Napakahirap ng mga scenes na gagawin namin para sa movie na ito.

Ilang buwan din namin tong paghahandaan. Pero mas kinakabahan ako kung sino ang lalaking makaka partner ko.

Hindi ko alam kung kilala ko ba sya.

O kung magiging okay ba kaming magtrabaho together.

Napalingon ang ilang staff sa pintuan habang mas lalo pang lumalakas ang ingay.

Napakunot ang noo ko.

"I didn't know that my partner for this movie was so popular," bulong ko sa sarili ko. "Ang ingay naman. Sino ba kasi 'yan?"

Narinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa labas.

Nagpapasalamat siya sa mga fans niya na pumunta sa first day ng set.

"Thank you for coming today. I really appreciate your support."

Habang pinapakinggan ko iyon, may kakaibang pakiramdam na unti-unting sumiksik sa dibdib ko.

Parang may pamilyar sa boses niya.

Parang kilala ko iyon.

" Kaboses na kaboses niya si Lys-"

Pero bago pa man matapos ang sasabihin ko, biglang sumigaw ang mga fans sa labas.

"ACKK!! Ang pogi mo Lysander!"

Nanlamig ang buong katawan ko.

Si Lysander.

Ang ex ko. At ang lalaking makaka-parter ko sa movie na ito.

Biglang bumalik sa isip ko ang mga alaala na pilit kong kinakalimutan.

Ang mga araw na magkasama kami. Ang mga ngiti niya. Ang mga pangakong hindi rin naman nagtagal.

Tatayo pa lang sana ako para pumunta sa CR dahil hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita siya ulit pag katapos ng ginawa ko sa araw nayon. Kailangan kong makahinga. Kailangan kong makalayo kahit sandali lang.

Pero bago pa man ako makaalis, tinawag na ako ng director.

"Ria."

Huminto Ako sa kinatatayuan ko habang unti-unting bumubukas ang pinto.

Sa dahan-dahang pagbukas nito, alam ko na agad kung sino ang nasa labas. Kahit hindi ko pa siya nakikita.

I can still recognize his scent.

Ang pabango niyang minsan ko nang nakilala. Ang pabango na minsan ko ring minahal.

Unti-unting pumasok ang liwanag mula sa labas. Sa liwanag na iyon, nakita ko ang anino niya.

Matangkad, pamilyar. Halos walang nagbago.

At muli kaming nagkita.

Nagtagpo ang mga mata namin.

Nawala ang ngiti sa mukha nya, na parang Nakakita siya ng multo.

Then our director spoke.

"Ria, I'm going to introduce you to your partner for the movie."

Huminto siya sandali bago sinabi ang pangalan.

"Lysander hayes Melendez."

At sa sandaling iyon, alam kong hindi na ako makakatakas sa nakaraan.

The Love That Never MeantHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora