"Pero anong problema ninyo ni Caleb? Niloko ka ba niya? Sinaktan?"

"No. Trust me before June wala na kami." pangako ko sa kanya at pinisil ko ang kamay niya. I need a fall back. Para kung sakaling masaktan man ako sa sarili kong desisyon ay may sasagip sa akin.

"Hindi ko talaga maintindihan."

"Just trust me Andie." Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa noo. Wala akong maramdaman na kahit na ano sa kanya ni walang kilig o ano pa man, siguro nga hindi ko na talaga siya mahal. Baka naman matutunan ko pa ulit, after all ay siya ang first love ko.

"I'm so happy Tiffs. Thank you." Pwede na siguro akong bigyan ng award na 'The Most Liar Person'. Sh*t tama naman ba 'tong ginagawa ko? Nandamay pa ako ng ibang tao. Ang dami kong masasaktan na tao. Ang sarap lang iumpog ng ulo ko. Nababaliw na nga yata ako. Hindi ko na alam yung mga ginagawa ko. Feeling ko hindi ako si Tiffany.


TROY'S POV   

Officially nag d-date na kami ni Dessa kaya naman hindi na talaga ako tumitingin pa sa ibang babae. Si Dessa na lang talaga ang  apple of the eye ko.

Ang daming nagbago pagkatapos ng Batangas vacation namin. Si Alex pagkatapos mabusted ni Gail ayun at balik sa pagiging babaero kung sino-sino na naman yung babae, akala pa naman namin tumino na. Si Nica at Albert laging nag-aaway, akala mo mag asawa na eh ayaw naman sabihin kung ano yung dahilan tapos si Clavs naman ayun It's complicated daw ang buhay niya, siyempre naman ang favorite loveteam ng barkada si Pareng Caleb at Tiffany bago umalis ng Batangas langya di mo mapaghiwalay eh malapit na nga silang maging magkamukha.

Masama ang kutob ko sa dalawang yun pag magkasama. 

Parang kapatid ko na kasi si bossing kaya wag na silang magtaka kung over protective ako sa kanya. Lahat naman ata gustong  protektahan si Tiffany, siya kasi yung matapang pero iyakin. 

Pagkatapos naming mag mall ni Dessa ay tumambay muna kami sa park.

"Dessa gusto mo ng inumin? Bibili ako."

"Sige"

"Hintayin mo lang ako dito."


Sabi sa inyo eh madaming nagbago kita naman,  hindi man lang ako sinungitan pero under pa din ako sa kanya kahit sabihin pa nating di na siya suplada. Ang mga babae pa naman walang sabi-sabing magiging halimaw. 

Naglakad na ako para humanap ng maiinom ayokong mauhaw si Dessa ko.

Nagpunta pa ako sa basketball court dahil nandoon yung vendor, pabalik na sana ako kaso may maliit na pamilyar na babae akong nakita sa may bench at siyempre basta maliit si Tiffany na yun. Bakit mag-isa lang yata siya?

Lalapitan ko na sana siya kaso biglang may umupo sa tabi niya, anak ng teteng at si Andrew pa pala. Langya bossing lagot ka niyan kay Pareng Caleb at tignan mo 'tong malanding kabote na 'to tumatawa pa. Tss. Naupo din ako sa bench pero malayo sa kanila. Mukhang may ginagawang kalokohan si Tiffany.

Niyakap sya ni Andrew at hinalikan pa! Ganoon? Gaguhan pa ang alam niya.

Kaibigan ko ang ginagago niya. Mas close kami ni Tiffany pero naman gumagawa siya ng kalokohan. Takot pa naman ako dati kasi baka saktan lang siya ni Caleb kasi noong una ay may pagka-playboy yun pero ano? Kabaligtaran pala. Bumalik na ako sa park at hindi ako makakibo. Walangya talaga bakit ako pa ang nakakita.


"Bakit ang tagal mo Troy?" nagtatakang tanong ni Dessa.

"Ah.....eh.....W-wala."

I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now