Chapter 2 (A kiss of life)

3.3K 68 6
                                    

      "MISS, Okay ka lang?" Tanong ulit ni Bryan sa dalagang nakapatong sa kanya. Bumibilis ang kabog ng kanyang dibdib habang naghahabol pa siya ng hininga. Parang isang nakakatawang biro tuloy ang sitwasyong kinalalagyan nila ngayon.

     "Miss! Miss!"

       Mahihinang pagtangis lang ang naririnig niya mula sa kanya. Hinagod niya ang likod nito. Umaasang kahit papaano'y mapapakalma niya ito. Hindi na niya inalintana na kanina pa sila nakahiga sa sidewalk.

      "Diyos Miyo! MGA IMMORAL!" Sigaw ng matandang babae sa loob ng pampasaherong jeepney. Muntik na itong atakihin sa puso ng makita nito ang malaswang eksena nila sa tulay.

      May jeepney na pumarada sa tapat nila at mukhang nakikiusyoso pa ang mga ito.

      "Hijo! Ayos lang ba kayo?" Tanong naman ng driver.

       Bigla siyang napalunok. Papano niya ipaliliwanag ang kakatwang sitwasyon na kinalalagyan nila ngayon? Nakaisip siya ng magandang dahilan.

       "Nadulas lang ho! Medyo masakit lang kaya hindi kami nakatayo agad!" Paliwanag niya, Napangise siya at umasang makakalusot 'yon.

       "Ikama mo na yan, Brod!" Umentra naman 'tong pasaherong lasing.

       Lalong kumunot tuloy yung nuo ng matanda. Tinitigan nito ng masama si Bryan at mukhang nahuhulaan na niya ang masamang iniisip nito.

       Pinangunahan na niya.

       "Hindi 'po! Hindi 'po!"

       Naman, oh! Ano ba naman 'tong nangyayari sa akin! Agad siyang tumayo upang hindi na mapahiya pa sa awkward na sitwasyon na ito.

     "Siguro ni ra-rape mo yan 'no?" Galit na tanong ng matandang babae. Matalim pa rin ang titig nito sa kanya.

     "Hindi 'po talaga! Nadulas lang po kami Lola." Ani ni Bryan, ayaw naman niyang malagay sa ganuong sitwasyon pero mukhang sablay na siya.

       Wala naman masama sa pagtulong pero bakit naging rapist na tuloy ang imahe niya? Pakialamero kasi kaya ayan napahamak na.

       "Naku! Lola hindi 'po talaga," muli niyang kinumbinsi ito. Kulang nalan e lumuhod siya upang ipahiwatig na mali ang iniisip nila.

      Gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan dahil sa nakakahiyang sitwasyon na yon at kung 'di lang dahil sa babaeng ito'y kanina pa sana siya umeskapo. Hindi na niya hahayaan pang dagdagan ng matanda yung mga hinihirit nito.       

      Tumayo yung misteryosong babae at lumakad paalis.

       Hindi ito napansin ni Bryan komo't nakikipag-usap pa ito sa matandang kulang n'lang ay hambalusin na siya.

      Dahan-dahang umandar na ang jeepney at isang masamang tingin nalang ang ibinigay sa kanya ng matanda.

       "MANYAKIS!" Pahabol na sigaw pa nito.

       Hiyang-hiya na tuloy siya. Wala na siyang magawa kundi pagmasdan na lang ang pag-alis nila.

        Napansin niyang wala na yung babaeng sinagip niya.

       "Hala! Nasaan na yon?" Bigla naman siyang kinabahan.

        Sa dulo niya nakita ito.

        Pusang gala! Para na 'tong zombie'ng naglalakad.

        "Adik! Adik! Na babae 'to!"

My Suicidal Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now