I left to go home right away after Papa called me. I was out with my friends, relaxing and having coffee tapos bigla niya akong pinauwi dahil emergency daw. Napasimangot nalang ako habang naglalakad ako papasok ng bahay, pakiramdam ko kasi hindi naman talaga emergency.
"Amara mabuti nandito ka na, nasa study area ang Papa mo dumiretso ka na dun." bungad sa akin ni Manang Helda, nilagpasan niya na ako dahil may dala siyang mga trash bags. Si Manang Helda lang kasi yung kasambahay namin dahil pinaalis ni Papa ang ibang mga kasambahay sa hindi ko malaman na dahilan.
I approached the tall stairs and headed directly to the study area. Kumatok muna ako ng tatlong beses para malaman niyang nandito na ako saka ko binuksan yung pinto. He appears to be waiting, halata dahil naka tayo lang siya at ang paningin ay nasa malaking glass window.
"Pa, anong emergency ba 'to at kailangan mo talagang pauwiin ako ng maaga," reklamo ko sa kanya, humarap siya sakin kaya napaismid ako. "Ngayon ko na nga lang ulit naka hang-out sila Rosabella at Ellerie eh pinauwi mo naman ako agad."
He spun around and glanced at me, nakita ko yung mata ni Papa na pagod na pagod na. Malalim eto at medyo namamaga pa, I can't help na mag alala sa kalagayan niya kaya ako na yung lumapit sa kanya. I don't like what I'm seeing, my Papa looks really miserable. Well, ever since naman talaga na nawala si Mama lagi nalang siyang pagod, wala sa mood and I never see him smile again.
Namatay si Mama last year lang, it was an accident pero malakas ang hinala namin na hindi yun aksidente, at may kinalaman ang business partner nila na si Morgan. Even hearing his name is enough to fill me with anger. Nagkaroon sila ng relasyon ni Mama na naging dahilan kung bakit kailangan niya umalis ng gabing yun, kasi sasama na sana siya sa lalaki. I can't forgive what he did to my family, he shattered us and my Papa left here broken because of it.
"We need to talk Amara," panimula niya. Hindi siya makatingin ng diretso sakin. "Malaki ang problema ko ngayon, nagkaroon ako ng malaking utang, at hindi ko alam pano babayaran yun."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Utang? Sa pagkakaalam ko may pera kami, may negosyo nga, pano nangyari 'to?
"Wait Pa, anong utang? I don't get it. May business tayo, pwede naman natin bayaran kahit half lang ng utang na yan di ba?" nag iwas ng tingin si Papa, at kinuha ang wine glass sa table niya.
"It's not that simple anak, masyadong malaki ang utang. At hindi lang yun, yung Mama mo she used a lot of our company's funds and even stole money from that man." napanganga nalang ako, I'm so shocked that I can't even find the right words to say.
"What? Pa, bakit ngayon ko lang nalaman 'to, bat di mo sinabi? At saka sino ba pinagkautangan niyo? B-baka may ibang paraan para maiayos ang lahat." taranta kong tugon, because hindi ko na din alam anong gagawin to help Papa.
"Si Morgan." wait, what?
"200 million yun anak, m-masyadong malaki. H-hindi ko na alam." halos matumba ako sa kinatatayuan ko, 200 million? That's a lot. At kay Morgan pa?! Sa taong kinamumuhian ko?
"San ang office ng Morgan na yan, kakausapin ko siya." aalis na sana ako, pero pinigilan ako ni Papa
"Nakausap ko na siya, and he has some conditions," tinignan ko siya at inantay ko lang ang susunod na sasabihin niya kahit halata sa mukha niya na nagdadalawang isip siya.
"Anak, he wants you to marry him."
BINABASA MO ANG
Collateral Heart
RomanceAmarantha Santiago's life takes a drastic turn when she's forced into a marriage with a man she has never met. All she knows is that he despises her, and worse, he's the reason her parent's love story ended in heartbreak and possibly the cause of he...
