Prologue

213K 4K 436
                                    


Prologue

Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili ko sa salamin.

I'm a different Arabella Francisco now. I can now say my name with class, honor and pride. I can walk confidently without getting uncomfortable with the people watching me. It feels like I own everything. Everything's my property.

"Ma'am Bella, the breakdown profit is now on your email. I already sent it earlier." my secretary said, resepectfully.

Nilingon ko naman sya't ngumiti. "Thank you, Xia and can you please buy me a coffee. You know my favorite and buy yours too." sabi ko sa kanya habang inaabot ko ang 50 dollars na hawak ko. "You can buy yourself a food too if you want. Spend it nicely."

Nakayukong inabot naman ng secretary ko ang hawak kong pera saka sya nakangiting nag-angat ng tingin sa akin.

"Thank you, Ma'am and I will." sabi nalang nya sa akin at mabilis na lumabas ng aking opisina.

I stretched my arms at lumabas na rin upang pumunta sa may lobby kung saang kitang-kita ko ang pagiging busy ng mga crew because it's already peak season at maraming tourist ang nagpareserve ng kani-kanilang suites.

When I was young, I only dreamt on having a restaurant for nanay. Hindi ko naman akalain na magiging hotel pa ang simpleng restaurant na pangarap ko. And it's all because with help of my tatay.

"Ma'am, I really think it would be good if you have another branch of Belle Danse here in Los Angeles or in other parts of America." Xia suggested when we're having a coffee break. "It's even better if Belle Danse have a chain around the world."

"I'm actually planning on building another branch of Belle Danse in the Philippines since it's the country where I lived before." sabi ko ng aking plano.

Napag-usapan na namin ni tatay ang pagpapatayo ko ng Belle Danse sa Pilipinas at nakausap na namin si Tita na humanap ng magandang spot doon and she said na maraming slots near Mall of Asia.

Pinapauwi nga ako ni Tita para makita ko ng personal ang lot kaysa ipapakita nya lang sa akin sa picture at sasabihin lang sa akin ang kabuuang laki nito.

"That's a great idea, Ma'am." nakangiti nyang sabi sa akin. "And speaking of Philippines, Ma'am. I almost forgot. I have a caller from the Philippines asking an appointment with you."

"A caller?" kumunot ang aking noo. "From the Philippines?"

"It's the secretary of the CEO of Sarto Inc. Its base is in the Philippines. They're asking for an appointment. It's for the business, Ma'am. They're willing to fly here to have a meeting with you." paliwanag nya sa akin.

Nagsimula nanamang kumabog ng mabilis ang aking puso ng marinig ko ang pangalan na 'Sarto'.

Sarto means Sarmiento. Sarmiento means... No. No. But it's for the business, Bella. Kahit anong sabihin mo, you need Sarto go expand your business. But they're the ones who's looking for an appointment. It means, sila ang may kailangan sa akin. But still.. I still need Sarto. Be professional!

"Tell them that there's no need to go here in LA 'cause I'm going back to the Philippines next week." bilin ko kay Xia na agad namang tumango-tango.

"I'll inform them, Ma'am." simpleng sabi nya.

Nang gabing 'yon ay niyaya ko si Xia at Penny na magchill kahit na sandali lang sa bar dahil sa kakaisip kung bakit biglang kinontak ng Sarto ang Belle Danse at dahil na rin sa sobrang stress sa work. Minsan nga'y binabalak kong ipasara ang Belle Danse for three days para makapagrelax-relax ang mga employee ko. Yung I'll plan a trip for them for free bilang bayad sa magandang serbisyong pinapakita nila sa Belle Danse.

"Greystone Manor?" tanong sa akin ni Penny nang makasakay sya sa aking kotse saka lumingon sa back seat. "Hi, Xia." bati nya kay Xia na tahimik lang sa likod bago muling lumingon sa akin.

Umiling naman ako't ngumisi. "It's Emerson night. Besides, it's nearer." sagot ko.

"That's great! I'm planning on going to Hollywood tomorrow but since we're going can we drop off there first?" na-eexcite na sabi ng aking pinsan.

"What mall?" tanong ko sa kanya habang diretso sa pagd-drive.

"The Grove. I'll buy something for Ian and mom since we're going home next week." masaya nyang sabi.

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang excitement dahil babalik kami ng Pilipinas at magkikita na sila ulit ni Ian.

Actually, Penny's always going back to the Philippines but once a year ay pumupunta din si Ian dito sa LA para sya naman ang bumisita kay Penny. Kahit once a year nya lang bisitahin si Penny ay malaking effort na rin yun dahil hindi biro ang pera pambili ng plane ticket papunta dito sa LA.

"You should also buy Belle new clothes too since it's her first time going to the Philippines." pagsusuggest sa akin ni Penny.

"Pag-iisipan ko mamaya." sabi ko nalang at nag-Tagalog na ako dahil kating-kati na akong mag-Tagalog dahil buong araw ay puro English ang bukambibig ko.

"Wag ka ngang mag-Tagalog. Hindi tayo maiintindihan ni Xia." pagsita sa akin ni Penny.

"Hindi nya naman kailangang malaman ang pag-uusapan natin." sabi ko nalang at niliko na sa Hollywood Boulevard ang kotse.

"Yes she does at para iwas misunderstanding. Baka mamaya akalain nya bina-backstabb natin sya." katwiran nya.

"Okay. Fine. I'll speak English again." I rolled my eyes at my cousin.

Even if she's so annoying sometimes, mahal na mahal ko pa rin sya dahil para na kaming magkapatid.

"Let's just text each other I'll just buy some things for Ralph, Rachel and Raphael." paalam ko kay Penny bago ako nagsimulang maghanap ng pwedeng iuwi sa kanila.

Si Ralph ay hindi ako nahirapang hanapan ng pasalubong dahil lagi nyang sinasabi sa akin na ayos na daw ang sapatos. Si Rachel naman ay may pag-addict ngayon sa dress na mukhang pinaglilihian nya dahil buntis sya sa pangalawang anak nila ni Ralph. And then Raphael, ang little version ni Ralph ay mahilig sa control cars kaya no sweat sa paghahanap ng mga bibilin ko.

Sinunod ko rin ang sinabi ni Penny na bilan ng mga bagong damit si Belle. She needs new clothes pero ilang damit lang din ang binili ko dahil pwede ko naman sya sa Pilipinas ibili pa ng iba.

Kumain na muna kami dito ng dinner bago dumiretso sa Emerson para may laman ang tiyan namin before drinking alcoholic drinks.

Nang makarating kami doon ay agad na sumabak si Xia at Penny sa sayawan sa dance floor habang naiwan naman ako dito sa table namin to drink a few.

"Miss.." may tumabi sa akin na nakangisi pa't medyo magulo na ang kanyang buhok na kunting nagpapawis na halatang galing na sa sayawan. "Wanna dance?" tanong nya sa akin.

Nilingon ko naman sya't tipid na ngumiti. "I'm sorry but I don't dance." simple kong pagtanggi sa kanya.

"Arabella Francisco? Don't know how to dance?" he almost laughed.

"Before, yes I do dance. But not anymore." paglilinaw ko. "Now can you please back off? I'm having a little party by myself." sabay angat ko ng kunti sa hawak kong cocktail drink.

"Whatever." he shrugged his shoulders before going back go the dance floor where he came from.

Huminga naman ako ng malalim at ininom ng isang inuman ang cocktail drink nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako tumigil sa pagsasayaw.

It's been five years pero parang ganon pa rin. Parang five days lang ang nakalipas magmula ng mangyari ang lahat.

I was still asking myself everyday why he gave up on me so easily. Kung bakit hindi nya ako pinaglaban. Kung bakit sya bumitaw kaagad kahit na nakakapit pa rin ako ng mahigpit sa kanya at wala akong balak na bitawan sya.

For the second time, he left me again and that's when I stopped dancing.

Dancing In PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon