Sinasabi nila na bawat tao ay isang mundong hindi pa natutuklasan.
Minsan, kapag nakaupo tayo sa jeep, naglalakad sa kalsada, naliligo, o kaya ay nakatitig lang sa kisame sa gitna ng gabi, nakakalimutan natin na hindi lang tayo ang nakakaramdam ng pagod, saya, o takot. Ang bawat taong nadadaanan mo ay may bitbit na sariling kwento. Mga pangarap na hindi natupad, mga luhang palihim na pinunasan, at mga kaisipang kailanman ay hindi nila masabi nang malakas.
Ang mga pahinang ito ay hindi isang nobela. Wala itong perpektong plot o bida. Isa lamang itong bukas na bintana sa aking isipan. Mga tagpi-tagping realisasyon, mga late-night rants, sagot sa mga tanong ng mga podcaster na napapanood at mga obserbasyon sa buhay na madalas nating lagpasan.
Sana sa pagbabasa mo, mapagtanto mo rin na sa gitna ng iyong sariling gulo, may isang estrangherong nakakaintindi sa iyo. Maligayang pagdating sa aking mga hindi masabing salita.
DISCLAIMER
All thoughts, essays, and entries within this book are products of the author's imagination and personal experiences. The views and opinions expressed in this book are purely personal and do not necessarily reflect the official policy or position of any other agency, organization, or company. These entries are written from a subjective perspective and are intended for reflection and creative expression only.
Content Warning: Some entries may contain raw emotions or sensitive topics that could be triggering for some readers. Please read with an open mind and prioritize your mental well-being.
Errors: Expect unedited thoughts, grammatical inconsistencies, and occasional typos.
Author's note: I am writing this for myself, but I am publishing this for everyone who has ever felt like a background character in their own lives. Thank you for being here.
