Chapter 9: we've met again

Start from the beginning
                                        

"Shhss. Tama na. Papasok pa tayo
" sabay pahid sa likod ko.
"Tuwing nagbibirthday ako lagi akong nagaabang sa harap ng bahay. Nagbabakasakaling balikan ako ng nanay ko. Pero walang dumadating. Pag nagkakasakit ako. Iniisip ko. Sana meron (sob) p-parin siya. Sana inaalagaan niya ako. Ang hirap ng pinagdadaanan ko. Hindi ko nga (sob) (sob) alam kung (sob) kailan mawawala ang (sob) sakit."
Walang nagsasalita sa amin.
"Kat. Masaya na siya sa inyo. Masaya na siya kahit hi di niya ako kasama. Hindi niya na ako maalala. Bakit ganun kailangan ako pa ang masaktan. Ako na nga ang iniwan ako pa ang masasaktan."
Biglang inalis ni kat yung yakap niya sa akin at tinignan niya ako sa mata.
Parang ganito nga yung mata niya oh.-----> O____O
"Don't tell me---"
Pinutol ko na yung sasabihin niya at nagsalita na ako.
"Yes she's my mom. Siya ang nanay ko na matagal ko ng hinahanap."
"OHMYGOD OH.MY.GOD."
Hinila niya ako sa dining room. Nagulat na lang ako ng may ibinulong siya sa nanay niya..
At biglang tumingin sa akin si mama.

"Dad. Tara po muna doon. Reynald c'mmon." Sabi niya ulit.

Umupo kami sa upuan sa may dining table.

"Umh"
"Liza" nagkatinginan kami ni mama. Sabay kase kaming nagsalita eh. Namiss ko talaga siya. Yung boses niya. Yung  boses  niya na maganda

"Anak sorry. Sorry kase iniwan kita" nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita.
"Nung iniwan kita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hinanap kita pero huli na ako eh. Wala na kayo sa bahay." Pinapakinggan ko lang siya. Hindi ako nagsasalita.
"Anak patawarin mo ako. Patawarin mo si mama. Bigyan mo siya ng pagkakataon para makabawi." Psh. Ganon? Ganun lang ba kadali para sa kanila? Nung iniwan niya ako di man lang siya nagpaalam.
"Ang bilis pala ng panahon nuh? Parang kailan lang nung nasa tabi palang kita?"
Tinignan ko siya at nakita kong umiiyak rin pala siya.
"Kailan lang noong tinuturuan palang kitang magbasa, sumayaw, magkulay, magsulat at kumanta." Mas lalo akong naiyak.
"Parang kailan rin lang po noong nangako kayo ni papa na sabay sabay nating tutuparin yung pangarap ko. At parang kailan rin lang po noong iniwan niyo ako.
Bakit po? Bakit niyo po ako iniwan?" Tanong ko sa kanya.
"S-sorry a-anak"
"Ang tanga ko nga pala talagang malas. Syempre mas pinili niyo si tito james kesa sa amin. Noong araw po na iniwan niyo ako. Naging malupit na si papa sa akin. Noong gabi nga po na iniwan niyo ako, pumunta po si papa sa bar. Pagdating niya sabi niya sa akin. Ako ang dahilan kung bakit niyo kami iniwan. Lahat po ng kasalanan niyo. Sa akin niya po isinisi. Tapos babalik po kayo, sorry? Masakit po eh. Masakit maiwan ng isang ina. Buong buhay ko po nagbago. Siguro kaya po hindi niyo ako napansin kanina kase ganito na po itsura ko." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at akmang aalis na ng bigla siyang nagsalita.
"Miss na miss na kita anak. Hindi lang ikaw ang nasaktan. Pati ako."
Napaluha na naman ako doon sa sinabi ni mama.
"Wala naman pong masasaktan kung hindi niyo kami iniwan. Sige alis na po ako."
Paalam ko.
"Anak. Sana--" pinutol ko yung sasabihin niya.
"Huwag niyo po akong tawaging anak. Hindi po ikaw ang mama ko. Hindi yan eh. Hindi po ganyan si mama. Ang mama ko kasabay kong tutupad sa mga pangarap ko. Ang mama ko laging nasa tabi ko at hindi niya kami iiwan. At ang mama ko hindi niya hahayaang maghirap ako at masaktan. Noong iniwan niyo po ako, inisip ko wala na akong nanay, patay na ang nanay ko. Kase hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko kay mama eh. Ibang Iba siya. Siya po yung nanay na iniidolo ko. Kaya huwag niyo po akong tawaging anak kase ibang ibang kayo sa mama ko." Tuluyan na akong tumakbo papalabas ng bahay nila kat. Mas maganda nalang siguro kung hindi muna ako papasok. Pagdating ko sa park umupo muna ako sa may swing.. di ako makapaniwala na nagkita na naman kami. Bakit ngayon lang siya nagpakita? Tanong ko sa sarili ko. Tumulo na naman yung luha ko. Maya maya lang biglang bumuhos yung napakalakas na ulan. Nagsitakbuhan yung mga batang naglalaro. Ako na lang yata tao dito sa park eh..
Gusto kong sumigaw, gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko.

"BAKIT? BAKiT NGAYON LANG KITA NAKITA?" SIGAW KO.
"BAKIT MO AKO INIWAN? BAKIT MO AKO SINAKTAN? " sigaw ko ulit. Piling ko nga dinadamayan ako ngayon ng ulan.
" Nangako ka. Nangako kayo na hindi niyo ako iiwan. Ako na nga ang naiwan ako pa ang nasasaktan."
Kalmado ko ng sabi.

"Siguro ayaw niya sa itsura mo."
Napalingon ako sa likuran.ko at sa kamalasmalasan si Quen pa ang nakita ko.

"Bakit? Iniwan ka ba niya?" Nag nod lang ako.
"Masakit ba?" I nodded again!
"Mahal mo pa.ba siya?" Oo. Mahal.ko pa siya syempre mama ko yun.

"Nagkaboyfriend ka na pala kahit ganyan itsura mo" baliw pala siya eh.Nanay ko ang tinutukoy ko dito.
Pero hindi ko nalang siya pinansin.
Aalis nalang ako para bumili ng ice cream. Yun lang naman kasundo ko pag may problema ako eh.

---
Ang bilis talaga ng oras nandito na ako sa bahay. Naghahanda. May family dinner daw eh anong meron? Di ko pa pala nasabi na nakita ko si mama. Wala ako sa mood para pagusapan si mama..

"Mom! Malapit na daw po sila." Bungad  agad sa amin ni ate. Sinong malapit na? Huwag mong savihing sila mama.! No way hanggang ngayon ba naman? Hindi pa ako handa na makita ulit siya.

Habang naghahanda ako ng pagkain sa lamesa lumapit si tita daisy sa akin.
"O tita ako na po dito." Sabi ko sabay kuha ng pinggan sa kanya.
"Hindi na ako na, punta ka sa kwarto mo at isuot mo ito" sabi niya naman sabay abot ng blue na supot.
Kinuha ko yun at nagpaalam. Na pagbukas ko bestdress. Wow ang ganda. White siya na hanggang legs lang. Hindi naman ako nagsusuot ng ganito ah. Bakit ito binili nila? Naku naman.

Isusuot ko ba o hindi. Pero anong isusuot ko kapag di ko ito isusuot?
Tinawagan ko nalang si Ate.

Dialing: ate Erich.
0912******

After ng ilang seconds sinagot na niya. Ang ingay pa dun sa kabilang linya.

"Ly? Bakit ka tumawag?"-ate
"Umh. Ate bakit po ang igsi ng isusuot ko. Di ko carry."
"Kaya mu yan. Tayo tayo lang naman eh. At saka ako kaya bumili niyan. Sige ka pag di mo yan sinuot magtatampo ako."-ate.
"Eeeh. Ang igsi eh. Wala na bang iba? Ate naman eh."
"Sige na. Isuot mo na."
"Ateee pls. Iba  n--"

Tooooooot.

Huh paano na yan? Napaka childish naman eh. Bakit ba kase di nalang siya magsuot neto..
Bahala na. Hindi naman siguro siya mahilig sa fashion noh? Bahala na isusuot ko nalang. Isang gabi lang naman to eh.

Inhale....
Exhale....

--
Pagkalabas ko sa kwarto ko. Ang dami ng tao. Whaaaaa.
Binat tuloy ako ng binat sa dress.
Pagbaba ko ng hagdan. Nandon na si ate Erich. Nakangiti siya sa akin pero tinignan ko lang siya ng
"Hindi kita papansinin." Look.
Napansin kong may kasama siyang  matanda. Siguro bisita lang pero sabi nila fam. Dinner eh bat may hindi may bisita? lumapit ako sa kanila at laking gulat ko  ng mamukhaan ko siya.

"lola?" tanong ng mangiyak iyak na ako. mula nung naghiwalay sila papa hindi ko na naisip na nandiyan pa pala siya.

"apo kumusta? ang laki mo na ah. patawarin mo ako apo kung ngayon lang ako nakapasyal dito."

hindi ko sinagot si Lola kundi niyakap ko nalang siya. pagkatapos nun. pumasok na kami sa loob. kwentuhan, harutan at tawan kami ngayon. hanggang sa maging seryoso ang lahat dahil sa sinabi ni Lola.

"gusto ko sanang ako na ang mag paaral at kumupkop kay Liza, Daisy, Anak salamat sa pagpapalaki mo ng maayos kay Liza ah."

"Ma. okay lang naman po na dito na lang si Liza ah. mabait siya at saka alam niyang tumulong." okay natouced ako. pero totoo kukunin na ba talaga ako ni Lola? dadalhin niya na ba ako sa U.S? doon na ba ako mag aaral? huwag naman sana?

"Naiintindihan kita anak. college na si Erich. Mahirap na yung asawa mo nagtratrabaho sa ibang bansa. nahihirapan na kayo. at alam ko yun. at isa pa LOla nila ako kaya may karapatan ako para kupkopin ko nalang siya."-paliwanag ni LOla. sabagay my point si Lola. nahihirapan din si Tito doon.

"si Liza na po ang magdedesisyon diyan. alam ko naman na kahit ano ang desisyon niya makakabuti pa rin sa kanya. waht do you think ma?" 

"i agree.  so Liza pag isipan mong mabuti ah."

"opo lola. ay nga pala la. kung sasama po ba ako sa inyo. sa U.S na po ba ako mag aaral?"

"ay! hindi kase nagpatayo na ako ng bahay sa kabilang sub. division pwede ka pa ring pumasyal dito." owkay. 

"sige po la. pag iisipan ko po." pahabol ko pa.

pagkatapos ng Family dinner pumunta na ako sa kwarto ko. si Lola dito daw muna matutulog.. may bakante pa kaseng kwarto dito sa bahay eh.

A/N: Gumawa na naman po ako ng new story ko . ( Heart vs. Mind) yan po yung tittle. keep voting guys. tnx 4 reading.



Mr. varsity player vs. Ms. nerdWhere stories live. Discover now