"WALANG LABASAN "
Salamin, salamin,
akoy sagutin—paano makakalaya
sa isang kulungang di ko alam
kung saan ang daan
patungo sa kalayaan?
Tila isang bituin
na kay hirap abutin;
paano ko makikita ang landas
kung liwanag ay kapos
at dilim ang kaakibat?
Kalayaan na aking minimithi,
kailanman di ko mawari
ang labasang aking hinahanap
ay tila pilit na ikinukubli,
parang lihim na ayaw magpahuli.
DU LIEST GERADE
TULA
PoesiePaalala di ito story kundi mga tula na gusto eh pikata or ipabasa inyo sana magustuhan ninyo
