MAEKOLA's POV
Grabe ang gate ng Saint U. Tingin ko pa lang ay parang ipinapamukha na sakin na wala akong karapatang dumaan dito kung hindi sigurado ang direksyon ng buhay ko. Isang malaking monumento ng exclusivity na sadyang ginawa para mang-intimidate.
Humugot ako ng malalim na hininga habang napaisip kung bakit dito ko pa napiling pumasok.
Tanga ba ako?
Pag-park ko sa may bungad ng parking lot ay halos umuusok pa ang gulong ng motor ko sa bilis ng takbo ko.
Sariwa pa ang amoy ng sabon nito dahil kakawash ko lang kanina. Nilagyan ko pa nga ng kaunting pabango ang leather seat dahil, bakit hindi? Kung papasok na rin lang ako sa ganitong kasosyal na school ay dapat pati ang motor ko ay may main character aura.
Huminto muna ako sandali at sumandal sa motor ko habang pinanood ang mga SUV at sports car na nagsulputan sa parking lot na parang may ongoing na car show.
Mga anak siguro ito ng kung sinu-sinong politiko, CEO, at mga may-ari ng lupa na akala mo ay sa kanila ang buong mundo. Sabay-sabay pang bumubukas ang mga pinto ng sasakyan nila na parang choreography ng mga tanga.
"Psh, overacting. Feeling may-ari ng kalsada." Bulong ko habang umaalingawngaw ang tunog ng exhaust ng isang Porsche sa tabi ko.
Hindi ako impressed dahil mas maingay pa nga ang Porsche na nasa- este... nakikita ko sa mga magazines, yeah right!
Nanatili muna ako sa pwesto ko ng ilang segundo. Chill lang at walang kaba, kasi bakit naman ako kakabahan diba? Eh pare-pareho lang naman kaming humihinga rito, mas mahal nga lang ang tela ng damit nila kaysa sa suot ko.
Business? Pass, masyadong predictable. Engineering? Pwede naman sana since masarap naman ako... pero huwag na lang dahil nakakapagod din maging masarap. Psych? Baka ako pa ang ma-diagnose at lalong mabaliw doon.
"Kaya, Mass Comm. Pwede na... magaling naman ako mambola, eh. So might as well get a degree for it."
Simple lang naman ang plano ko, pumasok, mag-enjoy, at siguraduhing makikilala ako bilang ako.
Tapos biglang nag-flash sa utak ko ang mga nakaraang buwan, iyong mga babaeng nilandi ko, ang cash, at ang mga GCash receipts mula sa mga taong nabola ko. Pati na rin ang mga screenshot ng "good morning babe" at ang mga sinungaling kong "miss u."
Napakagat ako ng labi dahil pwede ko namang ituloy ang lahat ng iyon kung gugustuhin ko. Pero nang tumingin ako sa malaking logo ng Saint U. na may makintab na gold trim, iyong mukhang logo ng isang secret society, ay bigla akong natawa.
"Actually, mas magandang hunting ground to. Ka-edad ko or mas matanda ng 5 years lang lahat... at least dito ay fresh ang mga biktima, hindi ko na kailangang magtiis sa mga matatanda. Finally, right?"
Kinuha ko na ang helmet ko at ni-lock ang motor. Inayos ko ang buhok ko gamit ang tint ng isang SUV na ginawa ko na ring personal mirror.
"Thanks for the free mirror, Mr. Millionaire. Nice tint, ha? Kita ko pati pores ko. Pogi... paldo na naman tayo nito. Maraming mahuhulog today, for sure." Sabi ko habang inaayos ang collar ng jacket ko.
Naglakad ako papunta sa entrance na parang ako ang may-ari ng dinadaanan ko. Ang iba naman ay parang mga estatwa na may bitbit na designer bags, the usual basic rich kid starter pack.
YOU ARE READING
CHERRY RED | MIKHAIAH
RomanceAia doesn't chase, she attracts. But for the girl who calls her "Toots" she'll make an exception. Now, the Frost Queen is hunting for a name she saw on a CCTV feed, and the Rebel is about to find out that some people are too dangerous to flirt with...
